Last Episode

43 0 0
                                    

Last Episode





Home





*





"Anong gagawin mo dito? Maglalaro?" tanong ni Tanner.





Napakainusente ng tanong niya pero para sakin, base sa pagkakaunawa ko may dating yun. May dating hindi dahil may laman ang sinabi ni Tanner kung hindi nabibigyan ko na ng meaning dahil sa mga nangyari.





Umaga palang nagkita na kami nitong si Tanner. Go naman daw siya para lang daw magkaroon ako ng karamay. Busy lahat ng pwede kong makasama kaya siya lang talaga ang kailangan ko.





Hindi ako maglalaro dito sa Crimson Casino. Instead, gusto ko lang mawala ang lahat na posibleng sakit na idulot nito sa akin. Gusto ko mawala lahat. Minsan na ako naglaro. Tama na yun.





"Panyo oh." sabi ni Tanner.





Nangingilid na pala ang luha ko. Alam kong masakit sa umpisa tong ginagawa ko. Pero I would thank myself later for doing this.





"Strike!" sabi ni Tanner.





Mas lalo akong dinurog sa narinig ko. Punyeta naman Tanner. Yan ang word kung saan nakilala ko si Adam. Pero ano ba dapat ang gawin ko? Wait, ito naman ang gusto ko diba? Saktan ang sarili. Saktan para mawala ang sakit. Kumbaga sa bulutong, kumain ka nang malansa para maglabasan agad lahat at nang mabilis gumaling. Makes sense.





Natapos kami maglaro ni Tanner. Tuwang tuwa si Tanner kahit natalo siya sa laro bandang huli. Nag-enjoy naman din daw siya and it doesn't matter whether he win or lose. Ako nga daw, nanalo pero parang binagsakan ako nang limang kilong bakal na may aspalto.

The Week (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon