Third Chapter

37 3 1
                                    

Third Chapter

Roadtrip

*

Paggising ko, chineck ko agad ang phone ko at nabasa ko ang text niya. Magroroadtrip tayo ngayon. Sabi sa text. San naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito? Palibhasa may sasakyan.

Nagbreakfast lang ako at nag-ayos. Nagmamabilis ako. Excited na ako eh. Masisilayan ko ulit siya. Ganito kasi pag inlove ulit. Parang always refreshing ang mundo mo. Nakakexcite, nakakakiliti at nakakakilig. Parang gusto mo lagi magbasag ng bote at ng kung ano man dahil sa pagkasabik mo.

Paglabas ko sa gate, wala ang sasakyan niya. Malamang wala pa siya. Papasok sana ako sa gate nang biglang may tumawag sakin.

Si Adam.

May dalang softdrinks na nasa plastic at hotdog sandwich. Ang sweet naman talaga. Pero nakakapagtaka. Sabi niya magroroadtrip kami. Bakit wala siyang dalang sasakyan?

"Nasan ang sasakyan mo babe?" tanong ko.

Ngumiti muna siya bago magsalita. Yung ngiting nakakaloko. Yung ngiting nakakapagpagwapo sa kanya lalo. The best talaga ang nakakasilaw niyang ngipin.

"Magcocommute tayo." sabi niya.

Commute? Parang mas lalo akong naexcite. Parang ang sarap magcommute kung siya naman ang kasama ko. Wala akong pakialam kung ano man sabihin ng mga tao sa bus, train, jeep habang nagyayakapan kami dahil kami lang ang nasa mundo. Yan ang iniisip ko para matanggal mga insecurities sa katawan ko.

The Week (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon