First Chapter

101 4 1
                                    

First Chapter

Crimson Casino

*

Ako si Milada. Pero mas madalas nila akong tawaging Mila dahil yun ang nickname ko. Mula pagkabata kasi yun na ang tawag sakin ng mga tao sa paligid ko.

20 years old na ako at graduating na ngayong April. Parang kelan lang na pumasok ako sa gate ng school namin at heto graduating na ako. Ang bilis kasi ng oras. Ang bilis ng panahon. Ngayong Lunes, parang bukas Biyernes na. Ganun siya kabilis.

Ganun din kabilis ang pag-ibig sakin. Parang isang linggo lang. Pero sa isang linggo na yon, di ko alam kung ilang taon ang dapat itapat mo sa tagal non. Naalala ko tuloy ang kanta ni Imelda Papin na Isang Linggong Pag-ibig.Natapos ang pag-iibigan nila pagsapit ng ikapitong araw.

Sa sobrang bilis ng oras at panahon, heto nakakafive months na akong walang boyfriend. At masasabi kong nakamove on na ako. Isang buwan lang kami ng boyfriend ko pero iniyakan ko talaga siya dahil sobrang na-attach ako sa kanya. Ayoko na mangyari sakin ulit yon. Ayoko na ulit maging clingy, maging tanga, at ma-attach ng bongga sa isang tao na unstable lagi ang desisyon. Yun ang dahilan ng break-up namin. Hindi pa daw siya handa maggirlfriend. Pakiramdam ko nga dahilan lang niya yon para naman di masyadong offensive kung sasabihin niya sakin na di niya naman talaga ko mahal at nainfatuate lang siya sakin. Pero hindi naman, kasi ngayon, bumabalik siya. Pero hindi ako masokista at martir ng taon kaya naman pinanindigan ko ang desisyon ko at hindi ko na siya pinabalik. Sabi ko nalang sa kanya kung magiging buo na desisyon nya at sure siya don, papayag ako makipagbalikan sa kanya.

Siguro nalilibang lang naman tayo kaya bumibilis ang mga oras. O baka naman sadyang mabilis lang talaga? And speaking of paglilibang, nandito ako sa Crimson Casino at naglalaro sa isang slot machine.

"Strike!" napasigaw ako.

Syempre panalo ako sa slot machine. Tatlong 7 kasi ang lumabas. Tiba tiba nanaman ako syempre. Ito kasi ang jackpot dito. Makakakain nanaman ako sa paborito kong coffee shop. Makakain nanaman ako ng mashed potato, buttered corn, nachos at coffee jelly!

The Week (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon