Fifth Chapter
Camp
*
Lumabas na ako ng bahay gaya ng utos sa akin ni Adam. Pagsara ko ng pinto, namataan kong may sulat sa paa ng gate. Hindi ko alam kung anong sulat yun, nakasobre kasi. Baka bill ng utilities ng bahay or mail galing sa tatay namin from abroad. Pero hindi.
Galing kay Adam ang sulat.
Hi Babe! Good morning! Nandito lang ako sa labas ng bahay niyo. Ops, wag ka muna lalabas. Bago ka lumabas ng gate make sure na may dala kang extra shirt at pantulog. Magdala ka na din ng unan at kumot. Exciting ang adventure natin ngayon.
Hindi ko alam kung anong meron sa adventure namin ngayon ni Adam. Paano kaya to magiging exciting? Sa kanya palang excited na ako paano pa kaya pag pumunta na kami sa sinasabi niya.
"Hmmm..." hinga ko ng malalim.
Agad naman akong pumasok sa loob ng bahay para kuhanin ang mga gamit na pinapadala ni Adam. Sinigurado ko wala akong nakalimutan. Overnight to. Nagdala na din ako ng mga gamit for personal hygiene gaya ng toothbrush, sabon, tuwalya, shampoo at mga cosmetics na inaaply ko sa mukha ko. Pagkatapos, lumabas na ako ng gate.
"Ready ka na ba?" tanong niya.
"Excited ako." sabi ko.
Pagpasok ko sa sasakyan niya, ang daming gamit sa likod. May mga pagkain at unan, plus ang daming bag. Hindi ko alam kung anong meron pero nahihinuha ko na kung ano at saan kami gagawa ng adventure ngayon.
