Fourth Chapter

42 3 1
                                    

Fourth Chapter

Theater

*

Kakatext ko lang kay Adam na nandito na ako sa teatro. Kanina ko pa siya hinihintay pero ang tagal talaga niya. Nasan na kaya yun? Makakapunta kaya siya? Seryoso kaya siya sa sinabi niya na di siya makakapunta dito ngayon?

"Guys, start na tayo sa Act 1! Actors get ready. Direk, game na!" sabi nung assistant director ng stage play namin.

Nagmadali nang mag-ayos ang mga talents. Agad naman bumangon ang mga nakaupo at dali daling pumunta sa stage para naman makapagpractice na kami.

"Nasan ang gaganap kay Juliet at Paris?" pagtatanong ng assistant director sa mga talents.

"May problema ba tayo?" tanong ng director.

"Direk, lagi kasing absent yung talent na gaganap kay Juliet pati din yung kay Paris. " daing ng assistant director.

"Si Milada nalang." suggest ng director.

Hindi ako makapaniwala pero somehow thankful ako. Pag umuuwi ako sa bahay, ginagaya ko mga lines ng talent na gumaganap kay Juliet at mas pinag-iigihan ko. Mas marunong kasi ako kumpara sa kanya pero di naman ako nagmamayabang. Palihim ko lang nasisita mga kakulangan niya.

"Mamaya na problemahin ang kay Paris. Game, Act 1 palang naman. Tybalt and Romeo, get ready." sabi nung assitant director.

Naka-five times na kami magpractice sa Act 1 ng Romeo and Juliet at wala pa rin si Adam. Bothered na bothered na ako. Pano nga kung hindi talaga siya makakapunta. Paano kung talkshit lang pala siya? Hindi ako mapakali.

The Week (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon