Today is Wednesday and my friends decided to meet up for lunch. So today we are in Chicken Wings, eating.
"Soo...may nareceive ka ba na message?"
Natigilan ako dahil paano nila nalaman na may nareceive akong message.
"Paano mo nalaman?"
Ngumiti silang tatlo sa akin.
"Kami ang dahilan kung bakit ka niya tinetext."
"Dapat hindi niyo na ginawa yun baka nakakaabala sa may tao."
Ngumisi si Ivy sa akin bago nagsalita na parang may alam siya na hindi ko alam.
"Don't worry, mukhang lahat ng mga gawain nun hindi niya gagawin pag ikaw ang nagtext sa kanya."
Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo pati na rin sila Jace at Julian. Nang biglang lumaki mata ni Jace at tumango lang siya.
"I don't know kung ano man ang pinag-uusapan niyong dalawa sa utak niyo pero ano ang ginawa niyo at bakit niya ako minemessae?"
Nagkatingin sila bago nagiwas ng tingin sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Paano ko ba ito...?"
"Ano nga ulit ginawa natin?"
"Guyss..."
"Alright, binigaynaminyunglettermosakanya."
Nagprocess sa utak ko yung sinabi nila hanggang inuntog ko na lang yung ulo ko sa may lamesa habang iniisip ang kakahiyanyan na sinulat ko.
"Oh shit. Bakit niyo binigay?"
Tinignan ko sila ng naiiyak. Nagpanic sila at nanguha agad ng tissue.
"Dude...don't cry shocks ka."
"We want you to be happy," Ivy said.
"And how would that make me happy?"
"Gusto ka lang naman maramdaman na maging masaya kahit na sa ganitong paraan lang naman. Kahit na medyo selfish kami." Paliwanag ni Jace.
"Tsaka gusto ko rin na magkalovelife ka hirap na ikaw lang ang may jowa sa grupo."
Tinignan ko si Ivy bago binato ng tissue sa mukha.
"Gagu, nagtext lang jowakels nasa isip mo?"
"Ou, namimiss ko jowa ko." Naginarte na naman siya sa harap namin kaya hindi na napigilian ni Julian sumabat.
"Gusto mo lang banana."
Muntik na ako mabulunan kung hindi agad ako inabutan ni Jace ng tubig. Tumatawa silang tatlo.
"Hoy, Julian kumakain." Saway ni Ivy habang tumatawa.
"Bakit totoo naman ah? Baka magcarousel kayo ah. Ako taga video."
"Hoy!! Ang aano niyo." Saway ko sa kanila.
"Ivy, iwas rin sa may plastik na kutsilyo baka mahiwa ang hiwa mo." Sabi ni Jace na nakapagpatawa sa aming lahat.
"Oh my gosh, ako na lang talaga inosente dito."
Tinignan nila ako ng parang alien.
"Bakit?"
"Huwag kang magpakabait!" Tumawa kami hanggang sa hindi namin napansin na may ibang tao pala dumating.
"Jace!"
Tumingin kami at nakita namin mama ni Jace. Tumayo kami para batiin siya.
"Ma, bat andito ka?"
"Dito kami inaya ng mga katrabaho ko."
BINABASA MO ANG
Paper Flight
RomansaMahirap daw magkagusto sa isang tao katabi mo lamang. Lalo na't itong taong ito ay katabi mo simula 2nd year highschool hanggang sa last year nila. But despite that, Aislin Asteria Cabelo was able to kept her cool and posture through the blushing, t...