Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang tagpo namin ng mommy ni Primo. Sa loob ng dalawang araw na yun, hindi ko nakayanang pumasok. Nag kulong ako sa apartment at inatupag ang pag yoyosi at pag- iinom. Hindi ko alam kong bakit masiyado parin akong nasasaktan sa mga sinabi ng ina niya. Apektadong- apektado ang sistema ko.
Nung-unang araw ay pumunta pa rito si Anya but I shut her off. Wala akong sino mang gustong maka-usap gusto kong malag pasan ang pagiging miserable ng mag-isa. Nung ikalawang araw ay puro text nalang ang natanggap ko mula kay Anya pero hindi ako nag reply.
Alas-otso palang ng umaga napag desisyonan kong pumasok na. Kahit masakit ang ulo dahil sa hangover masama rin ang gising ko kaya medyo iritado ako.
Naligo muna ako at nagbihis. Saka kumain ng kaunti. Itim na tank top ang pang itaas ko at pinatungan ng itim ring leather jacket tapos itim ring high waist jeans ang pang ibaba. Black boots naman ang ipinares ko. Trip kong pumorma ngayon dahil may nararamdaman akong kakaiba.
Bahagya pa akong natulala at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin ang itim at umaalong buhok ko ay mahaba na. Maraming nag sasabi sakin noon na kamukha ko raw si mama nuong kabataan niya maganda, kaya nga lang ay sayang daw parehong magkaiba ang ugali naming dalawa tss.
Nag kibit balikat ako sa na alala saka nag lagay lang ng kaunting liptint saka isinukbit ang bag at lumabas. Ini-lock ko muna yung pinto saka nag lakad papuntang paradahan ng jeep. Hindi naging matagal ang paghihintay kong makasakay.
Mabuti nalang at may natatanaw nakong jeep. Nang huminto ito sa harap ko ay hinintay ko munang mag sibabaan ang iilang pasahero.
Nagulat ako ng mapansing isa si Anya sa mga bumaba ng jeep. Hindi ba siya papasok?
Bahagya itong nakayuko kaya hindi niya ko napansin at nagpatuloy lang sa paglalakad,nilagpasan ako. Nilapitan ko siya at tinapik ang balikat nito.
Bahagya pa siyang napatalon paatras dahil sa gulat. Nanlalaki ang mga mata nitong nag-iwas ng tingin at umatras ng konti.
"N-Nik..." Malumanay na banggit nito sa palayaw ko.
Kunot nuo ko siyang tinitigang mabuti pilit nitong iniiwas ang kanyang muka. Nilapitan ko pa siya lalo at iniharap sakin ang kanyang muka.
"Tangina sinong may gawa niyan?." Galit kong tanong sakanya habang nakatingin sa pasa nito sa muka.
Nag-iwas ito ng tingin sakin bago sumagot.
"Wala to. Wag mo nalamang pansinin.""Anong wag pansinin! Nakikita mo ba yang muka mo." Naiinis kong sabi sakanya. Sinong gago naman ang gagawa nito sa kaibigan ko.
Hinawakan ko ang kamay nito at pinara ang jeep na kakadating lang.
"Nik ano ba! san mo bako dadalhin?"
Nagpupumiglas na tanong nito. Hinila ko siya papasok sa loob ng jeep at pinaupo sa tabi ko."Igaganti kita." Tipid kong sagot habang seryosong sinisipat ang pasa sa muka nito.
"Okay lang naman ako mawawala rin to." Pero sinamaan kolang siya ng tingin kaya tumahimik na ito. Alam niyang hindi siya mananalo sakin.
Nagbayad nako saka pumara ng makarating sa daanan papuntang university.
Mabibilis ang hakbang ko habang nakasunod sa likod ko ang tahimik na si Anya.
Ng nasa harap na kami ng gate ay napabuntong hininga ako at hinarap si Anya para tanungin. Dahil hindi pwedeng hindi ko alam ang buong nangyari.
"Anong nangyare?" Napa-angat ito ng tingin sakin dahil kanina pa pala ito yuko ng yuko parang gago lang.
"Mag sasalita kaba o ikaw nalang babanatan ko?" Nagtitimping tanong ko dahil nakatingin lang ito sakin at hindi nag sasalita.
BINABASA MO ANG
Gangster Girlfriend
Action"I hate her because she have you,and I hate myself because I can't have you."