KABANATA 13

5 0 0
                                    

"Two weeks from now, Primo will be officially engage to Natalie..."

Saglit akong natulala habang nakatingin sa hawak na invitation card. I silently cursed to myself before storming out of the cafeteria.

My heart is suddenly hurting like hell, after all this years kahit alam kong posibleng may mangyaring ganito nasasaktan parin ako. Hindi ko parin talaga kaya. At talagang binigyan niya ako ng invitation card so she can be satisfied.

Pero wala akong pag pipilian, kundi ang maki-ayon sa tadhanang alam kong kailanma'y hindi papanig sa akin.

Sa sobrang pag iisip ay hindi ko namalayang dinala ako ng mga paa ko sa lugar na madalas kong tambayan nuon. Naupo ako sa damuhan katapat ng lawang puno ng mga bulaklak na lumulutang, water lily ata ang tawag duon.

Kasabay ng pag ihip ng hangin ay naalala ko ang litratong ipinakita sakin ni Primo nuon, nung dinala niya ako sa rooftop.

"San mo ba ako dadalhin? " Tanong sakin ni Primo habang nakangisi.

"Alam ko ang ngising yan. " Natatawang sabi ko, habang patuloy na dinadala siya sa bagong lugar na nahanap ko. Maliit na kagubatan na nasa likod ng hindi kalayuang   unibersidad.

" Matagal paba tayo?" reklamo nito habang hinahawi ang iilang malalaking damo na nakaharang sa daraanan namin. Maypagka liblib kasi ang lugar na ito.

"Malapit na"

Ilang hakbang pa ay narating namin ang tinutukoy kong lugar. Para iyong munting paraiso  sa gitna ng kagubatan. Mga nag tata-asang puno ang naruon at pinapalibutan ang isang napaka gandang lawa. Nahanap ko ang lugar na ito nung hinahabol ako ng mga iilan sa kaaway ko.

"Woah! Hindi ko alam na may ganitong tanawin pala rito." Komento niya.

Iiling-iling ko siyang tinalikuran habang nakangiti at hinihila siya malapit sa lawa para maupo sa damuhan.

Kasabay ng paglingon ko sa kanya ay narinig ko ang pag click ng camera.

Natatawa ko siyang hinampas sa braso saka tiningnan ang litratong kinuhanan niya.

" You look good when you smile." Sabi nito habang nakangiti sakin kaya nginisian ko lamang siya para hindi mahalata ang kilig na nadarama.

"I know " natatawang sabi ko sakanya.

Too bad he can't remember this place, and it's too sad that he doesn't know he was the one who captured that picture.

Natigil ako sa pagbabalik  tanaw sa nakaraan ng maramdaman ko ang patak ng tubig galing sa taas. Kasunod nito ay ang marahas na kulog ng kidlat.

Dali-dali akong nag lakad paalis sa lugar na iyon dahil sa unti-unting pag patak ng ulan.

Saglit ko pang nilingon ang lugar na iyon bago kumaripas nang takbo para hindi maabutan ng malakas na ulan.

Hinihingal akong napahawak sa aking tuhod dahil sa pag hahabol ng hininga, habang unti-unti ng nababasa ng ulan.

Ng maramdaman kong okay na ako ay nag-angat ako ng tingin para lamang salubongin ng kamalasan.

"Kay tagal mo namang nag muni-muni hahahahaha" tumatawang sabi ng matabang lalaking nasa harap ko bitbit ang isang baseball bat. Sa likod nito ay naruon ang apat pang mga lalake may dala ring baseball bat.

Base sa sinabi nito ay sa tingin ko'y kanina pa nila ako sinusundan. At hinintay nila akong lumabas mula sa gubat.

"Anong kailangan niyo?" Seryosong tanong ko habang iniinda ang lamig dahil sa lakas ng ulan.

"Wala kaming kailangan sayo pero, siya meron hahahaha" Tumatawang sabi parin ng mataba habang inihahampas-hampas ng bahagya ang baseball bat sa kanyang kamay.

Hindi ko kilala ang mga gunggong na ito at kung sino man ang nag utos sa kanila. Ang tanging nasa isip ko lang ay tumakbo dahil hindi ko kakayaning labanan ang mga ito dahil sa estado ng katawan ko lalo pat ramdam ko ang pag iinit ng katawan ko, sobrang sama na ng pakiramdam ko.

Akmang tatalikod palang ako ay hinarang na ako ng dalawa sa kanila. Kaya wala na akong nagawa kundi ang lumaban.

Dalawang magkasunod na baseball bat ang akmang ihahampas saakin. Isa lang ang nailagan ko habang ang isa naman ay natamaan ako sa braso. Kasabay ng dalawang magkasunod na kidlat ay dalawang sipa ang ibinigay ko sa lalaking nasangga ko ang hawak na baseball bat.

Pagkatapos ay yumuko ako para iwasan ang paparating pang hampas. Saka ko sinuntok ang lalaking tinadyakan ko kanina at kinuha ang baseball bat nito nung mapahiga na siya sa sahig. 

Tatlong magkakasunod ang umatake sakin, habang si taba ay nanunuod lang.

Magkakasabay kong sinangga ang mga iyon gamit ang baseball bat saka sila isa-isang sinipa. 

Napaluhod ang mga ito ng hampasin ko ang kanilang tuhod, mas mabilis ang mga kilos ko kaya sisiw lang saakin ang mga iyon. Ngunit  unti-unti ko ng nararamdaman ang aking panghihina.

Paglingon ko sa likod ay nagulat ako ng naruon na kaagad ang lalaking mataba, inaabangan ako. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ako naka kilos. Tiningnan ko si taba ngunit nakangisi lamang ito habang nakatingin saakin. Nanlalaki ang mata kong tiningnan ang kamay nitong may hawak na kutsilyo at nakabaon sa tiyan ko.

Huli na para mapigilan kopa ang ginawa nito.

Unti-unting nan labo ang mga mata ko kasabay nito ang malakas na kulog ng kidlat. Mas lalong nanghina ang katawan ko nung hugutin nito ang kutsilyo mula sa katawan ko. Sinundan ko ng tingin ang pulang likidong umaagos mula sa hawak nitong kutsilyo, na umaagos papunta sa kalsada.

"Pasensiya kana napag-utusan lang." Sabi nito bago ako dahan-dahang mapahiga sa kalsada hawak ang duguang tiyan.

Nabitawan ko rin ang hawak na baseball bat nung sinipa niya ito palayo. Nasa tabi na niya ang kaninang apat na kasama niya na napatumba ko. Nakangisi ang mga ito habang tinitingnan akong mag-agaw buhay. Bago ako tinalikuran at iniwan duon.

Bahagya akong natawa,ngunit kasabay niyon ay lumabas ang dugo mula sa aking labi.

Sinikap kong tumayo gamit ang aking natitirang lakas nagbabaka sakaling makahingi ng tulong. Ngunit sino ba ang niloko ko? Alam na alam kong liblib ang lugar na ito at walang gaanong dumaraan lalo pat malapit ng magdilim.

Nahagip ng tingin ko ang aking bag di kalayuan saakin. Dahan-dahan ko itong nilapitan. Pagbukas ko ng aking bag ay basang-basa na rin ang loob nito. Kinuha ko ang aking selpon at pinilit buksan iyon pero mukang malas nga talaga ako ngayong araw potangina, sa lahat ba naman ng pagkakataon ngayon pa ito na lobat. Inis kong pinunasan ang dugo mula sa aking bibig,muli kong ibinalik sa bag ang selpon at isinarado iyon.

Isinukbit ko sa balikat ang bag habang iniinda ang sakit sa katawan.

Mamatay na ba ako? Biglang tanong ko sa aking sarili. Pero tingin ko'y matagal mamatay ang masamang damo.

Pagewang-gewang akong naglakad sa kalsada hanggang sa matanaw ko ang isang kotseng patungo sa kinatatayuan ko.

Parang tanga kong muling pinunasan ang aking bibig dahil sa dugong lumabas duon nung matawa ako ng bahagya. Hindi ako makapaniwalang hindi naman pala ako ganun ka malas.

Nanlalabo ang matang inaninag ko ang paparating na sasakyan saka ako bahagyang pumikit dahil sa nakakasilaw na  ilaw na nanggagaling sa kotseng huminto sa harap ko.

Bago pako tuluyang bumagsak ay bahagya kong naaninag ang taong lumabas sa kotse.

"Primo?"



Gangster GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon