" Mark Jimenez alyas 'baldo' ang pangalan ng lalaking sumaksak sayo " saka inilapag ni Jacob ang litrato ng isang matabang lalake. Agad dumapo ruon ang mata ko kaya napakuyom ako ng kamao dahil sa pinipigilang galit.Kahit hindi ko ga anong na mukhaan ito kagabi, ngayong nakikita ko ang pag mumukha nito sa litrato sigurado akong ito nga iyong sumaksak sa akin kagabi.
"Ang hinayupak nayan ang sumaksak sayo?" tanong ni Anya sa akin, kahit na kaka sabi lang ni Jacob. Parang baliw talaga.
Ngunit tinanguan ko parin siya saka humarap kay Jacob.
"Yung iba?" dagdag na tanong nito habang nakatingin narin kay Jacob.
"The rest is already in the warehouse," ako ang sumagot sa tanong nito kaya sakin niya ibinaling ang kanyang atensyon.
"Warehouse?"
Taas kilay nitong tanong. And I'm certain she knows what I meant when I said warehouse."You're really doing it?" nanakangising tanong nito.
"Lintik lang ang walang ganti." Saka ko tinanggap ang inalok na alak ni Jacob. I sipped into it and stared at the sky blankly. The image of Primo and Natalie in one room flashed in my mind and it makes me want to punch someone tangina.
"You're injured, do you want me to do it for you?" alok ni Jacob kaya muling nabalik ang atensyon ko sa kanya. Umiling ako.
"This wound is just nothing." Mapait kong sagot saka muling uminom. Ang sugat na ito ay walang-wala kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"I'll come with you, then."
"Ako din! Gago di pwedeng kayo lang." Dagdag pa ni Anya saka inirapan ng bahagya si Jacob. Wala nakong nagawa kundi ang tumango sakanila.
Bumaba ako sa sasakyan ni Jacob saka isinuot ang sunglasses, nilingon ko si Anya na kaka-baba lang rin sa sasakyan.
"Dito naba yun?" Agad na tanong nito sakin habang inililibot ang tingin sa lumang warehouse na nasa harap namin.
Naunang mag lakad si Jacob papasok kaya agad naming sinundan ni Anya. Bukod sa mga lumang gulong na nakakalat sa loob ng warehouse at mga sirang gamit ay wala ng ibang laman ang warehouse na ito.
Binuksan ni Jacob ang isang silid at duon tumambad samin ang limang mga lalake na nakagapos sa sa upuan may busal ang mga bibig nito at may takip ang mga mata.
Nang mapansin ng mga ito ang pag dating namin ay agad nag lili-likot ang mga ito at pinilit na mag salita kahit na hindi naman iyon maintindihan dahil may busal ang kanilang mga bibig.
Binigyan ako ng upuan ni Jacob at naupo ako sa harap ng mga ito. Sinenyasan kong tanggalin ang busal sa bibig ni Baldo ganun din ang piring sa mga mata nito.
"Tanginamo!" Agad na sigaw nito nang makitang ako ang nag pa dukot sa kanila.
Nakangisi kong itinaas ang aking sunglasses at ginawang headband iyon.
"Sinasabi ko na nga bang ikaw ang may kagagawan nito!" Sabi pa nito ngunit hindi ko ito sinagot. Bagkus ay inilabas ko ang dala kong kutsilyo at pinag laruan sa harap nito.
Kita ko ang pag daan ng takot sa muka nito at ang sunod-sunod na pag lunok, nagawa pa nitong mag pumiglas kahit na nakagapos. Sa laki at taba banaman nito hindi na ako mag tataka kung matutumba ang upuan nito."Isang tanong isang sagot lamang ang gusto ko Baldo..." saka ko ito sinamaan ng tingin.
"HINDI AKO NATATAKOT SAYO!" Sigaw muli nito na para bang sobrang layo ko sakanya. Pasimple kong kinalikot ang aking tenga at hinipan ang aking kamay upang asarin ito.
"Kung hindi mo sa-sagutin ang tanong ko ng maayos iba-baon ko ang kutsilyong ito sa katawan mo." Seryosong sabi ko.
"Sino ang nag utos sa inyo na gawin sakin yon?" Ngunit hindi ito sumagot at nakipag samaan lamang sakin ng tingin. Sinusubukan ata ang pasensiya ko.
Ngunit mukang walang balak sumagot kaya walang pasabi kong sinaksak ang kaliwang hita nito. Wala akong oras sa mga taong may atraso sakin at mas lalong wala akong panahon para pahabain ang pasensiya ko.
"Ahh!" Napa sigaw ito sa sakit kahit na hindi ko naman masiyadong ibinaon ang pag kaka saksak sa kanya. Hinugot ko ang kutsilyo kaya muling namutawi sa pag mumuka nito ang sakit na pilit nitong pinipigilan kaya napa ngisi ako, lalo na nung tumulo ang kanyang dugo papunta sa sahig.
"Mag salita kana kasi" Natatawang sabi ni Anya na nakatayo sa tabi ko.
"Ikaw din baka mamaya hindi kana maka lakad niyan" dagdag pa nito. Samantalang si Jacob ay tahimik lang na nag yoyosi sa gilid at pinapanuod kami.
"Maikli lang ang pasensiya ko Baldo, kung hindi mo pa sa-sagutin ang tanong ko ay ma-maalam kana sa binti mo." Walang ka gatol-gatol kong pag ba-banta habang pinu-punasan ang dugo na nasa kutsilyo.
Nag angat ako ng tingin sa kanya saka muling nag tanong.
"Sino ang nag utos sa inyo?" Kung hindi pa siya sa sagot ay ma pipilitan akong saksakin ang kanang binti nito.
"POTANGINA HINDI KO ALAM!" Sigaw nito.
Hindi niya alam? Kung ganon mukang kailangan ko sigurong saksakin ang kanang binti nito para malaman niya kung sino.
Akmang sasaksakin ko na ang kanang binti nito ng muli itong sumigaw.
"H-Hndi ko talaga alam. N-Nakatakip ang kalahati ng muka nito kaya hindi ko alam kung sino iyon. Basta ang sabi niya lang sa amin ay bugbogin ka." sabi nito. Sa mukha at paraan palang ng pananalita nito alam kong hindi ito nag sisinungaling.
Dahil kung ganon walang silbi ang lahat ng ito dahil hindi naman pala nila kilala ang nag utos sa kanila tangina!
"Kung ganon wala na kayong silbi para sa akin." Saka ako tumalikod at sinenyasan si Jacob para gulpihin na ang mga ito bago pakawalan.
"T-Teka sandali!" Nilingon kong muli ito at tinaasan ng kilay.
"S-Sa pagkaka-alala ko may tattoo ang lalaking iyon sa kanyang leeg." Dahil sa sinabi nito ay napakunot ang nuo ko. Tattoo sa leeg? May pumasok na ideya sa utak ko ngunit agad ko rin iyong binalewala , impossible.
"Anong tattoo?" Tanong sa kanya ni Anya na ngayon ay nasa tabi ko na at nakapamewang.
"Isa iyong scorpion."
Nagulat ako sa sinabi nito at agad na pinisil ang sugatang hita.
"Ahh!...Aray!" Sigaw nito sa sakit.
"Tang ina mo sigurado kaba sa pinag sasabi mo?" Galit na tanong ko dahil ang scorpion tattoo sa leeg ay simbolo iyon ng organisasyon ni Don Emmanuel at lahat ng may tattoo ng ganon sa kanilang leeg ay kabilang duon.
"Hindi ako nag kakamali iyon nga ang naka tattoo sa leeg nito!" Namimilipit sa sakit na sagot nito kaya binitawan ko ang hita nito at walang pasabing lumabas ng warehouse.
Naupo ako sa hood ng kotse ni Jacob, kumuha ng isang pakete ng sigarilyo at sinindihan ang isa.
Habang bumubuga ng usok ay hindi ko mapigilang mapaisip. Bakit gagawin iyon ni Don Emmanuel? Sa pag kaka alam ko ay nagawa ko ng maayos ang misyong kanyang ipinapagawa at bayad narin ako sa lahat ng pagkaka-utang ko sakanya. Kaya hindi ko maintindihan ang rason kung bakit niya ipag-uutos iyon.
Maliban nalang kung...gumaganti ito dahil tinalo ko ang manok niya at milyon rin ang paniguradong nawala sa kanya dahil sa laban. Tangina talaga hindi nga ako namatay sa laban si Emmanuel naman ang papatay sa akin pota talaga!
BINABASA MO ANG
Gangster Girlfriend
Action"I hate her because she have you,and I hate myself because I can't have you."