KABANATA:2

21 1 0
                                    


Nakapamulsa kong binabaybay ang daan papunta sa sakayan ng jeep pauwi galing iskwelahan.Nayayamot rin akong tumayo sa isa sa mga waiting shed ng marating ito,dahil ilang minuto nalang ang natitira ay malalate na ako sa pinagtatrabahuan kong coffee shop.

Maya-maya lang ay ikinagulat ko ang pag hinto ng itim na van sa harap ko,kaya bahagya akong napa atras.

Napamura ako habang naguguluhan, ng bumukas ang van at lumabas ruon ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin ang magaspang na muka ni Kiko.Kasunod nitong lumabas ang nakangising dalawa pa niyang alipores.

"Pagminamalas ka nga naman tangina."mahinang bulong ko.

"May ipapagawa sayo si Boss."Sabi nito.Ang boss niya na si Don Emmanuel ay isa lang sa mga pinagkakautangan ng magaling kong ama na ngayon ay ako ang hinahabol upang magbayad.

"Ayoko." Agaran kong tanggi at akmang aalis na ngunit hinarangan agad ako ng dalawa.

Masamang tingin ang aking ipinukol sa dalawa na agad namang nag iwas ng tingin.

"Wag ka nang mag abalang takasan kami masasaktan ka lang." Wika nito.

Walang emosyon kong nilingon si Kiko nang maglabas ito ng baril at itinutok saakin habang naka silay ang isang nakakairitang ngisi sa mga labi nito.

Wala sa sariling pumasok ako sa loob ng van ng isinenyas nito ang van gamit ang baril.

Pasalampak akong naupo sa loob habang pinag gigitnaan ng dalawang alipores ni Kiko habang ito naman ay nakaupo katabi ang driver.

Masama ang kutob ko sa maaaring ipagawa sakin ni Don Emannuel dahil bukod sa isa siyang mafia boss ay lahat ng ginagawa nito ay illegal.

"Nakakapagtakang hindi mo kami pinahirapan ngayon."Komento ng katabi ko.

Malamang hindi talaga ako papalag dahil may baril kayo tanga!
Hindi na ako nag abalang mag sayang ng laway para lamang sagutin ang mga abnoy na to dahil mas ika-iirita ko lamang ang paraan ng pananalita nito.

Huminto ang van sa labas ng isang malaking bahay na halatang abandonado na. Lumabas kami ng sasakyan habang hawak ng dalawa ang magkabila kong braso.

Lihim kong inobserbahan ang paligid at mukang malabong makatakas ako dahil sa maraming bantay ang nag pa-patrol sa labas ng bahay.

Pumasok kami sa loob ng bahay,bumungad samin ang isang bilyaran napatigil naman sa paglalaro ang ilan at napatingin sa akin.

"Yan na ba yan?"

Napabaling ang tingin ko sa lalaking pababa ng hagdan habang may naka salpak na yosi sa bibig.

"Yan na nga." Sagot naman ni Kiko na kararating lang.

"Ano pang hinihintay niyo? I-akyat na yan." Parang galit na utos sa kanila,kaya agaran akong hinila ng dalawang nakahawak sakin paakyat ng hagdan.

Ipinasok nila ako sa loob ng isang kwarto at itinali sa isang upuan ang aking kamay at paa lintek!.

Pagkatapos ay iniwan rin ako ng dalawa at lumabas ng silid.

Inis akong nagbuga ng hangin nang makita ang iilang ipis na lumilipad.Peste!

Naramdaman ko ang pag bukas ng pinto kaya nag angat ako ng tingin.

Pumasok ang isang lalaking naka suot ng hawaiian shirt at naka suot ng lumang maong pants. Hawak nito ang isang tungkod habang nasa bibig ang isang yosi.

Imbis na magmuka siyang negosyante at kagalang galang, nag muka tuloy siyang tambay sa paningin ko pero wala naman nang bago don. Nuon paman ay ganun na talaga siya manamit hanggang ngayon.

Gangster GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon