"Anong napag usapan niyo?""Pumayag ka no?"
"Okay lang ba si Tita? Nakita mo siya?"
"Hoyy!"
"Tumahimik ka nga!" Iritadong sabi ko kay Anya dahil sa pangungulit nito. Sa lakas ng boses niya ay naagaw niya ang atensyon ng mga tao sa cafeteria.
Dito ako dumiretso pagkatapos naming mag usap ni Gustav, saktong kakatapos lang ng morning class.
"Sagutin mo nga kasi ako." Nakairap na sabi nito saka muling sumubo sa kina kain nito.
"Bakit nanliligaw kaba?"
Nanlalaki ang mata nito habang muntik pang mabulunan dahil sa sinabi ko.
"BWAHAHAHAHA!" Sarkastiko itong malakas na tumawa dahilan para muli kaming lingunin ng mga estudyante.
"Punyeta HAHAHAHA angas naman ng joke mo Nik." Sarkastikong sabi nito bago pairap na itinigil ang pag tawa.
"Tss. Hinaan mo nga yang boses mo."
Saka ako nag patuloy sa kinakain.
Habang umiinom ng tubig ay naagaw ang atensyon ko dahil sa kadarating lang na si Primo mag isa lamang ito at mukang patungo sa direksiyon ko.Ano naman kaya ang pakay nito.
Agarang nag bulongan ang mga estudyante at pinagmamasdan siyang mag lakad habang seryoso ang mukang nakikipagtitigan sakin.
Napalingon narin si Anya at gulat na nakatingin kay Primo na ilang hakbang nalang ang layo sa pwesto namin.
Wala sa sarili kong nailapag ang bottled water nang hilahin ako nito palabas. Kibit balikat lang ang naisagot ko kay Anya nang bigyan ako nito nang nagtatanong na tingin nung nilingon ko siya.
Saka niya lamang ako binitawan nang makarating kami sa roof top.
"Who the hell are you?" Seryoso at mariin ang pag bitaw nito sa mga sinabi. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko pero sa huli ay nag iwas parin ako ng tingin.
Hindi ko siya sinagot at tahimik lang na sumandal sa railings. Akala ko ay galit pa ito sakin dahil dun sa nangyari kay Natalie.
"Why do I always have this feeling na kilala kita."
Muli ko siyang tiningnan ganun parin ang ayos niya naka pamulsa at nakatayo sa harap ko.
"Bukod sa pagiging magka-klase natin ay wala tayong anumang ugnayan sa isa't-isa."
Sinabi ko iyon habang nakatingin ng diretso sa kanyang mata. Ang pag tibok ng puso ko ay parang sasabog na dahil sa mga tingin na ibinibigay niya. May parte saking masaya dahil kahit papaano'y binabagabag siya ng kanyang isipan patungkol sakin."I know. But what the fuck is this?"
Galing sa kanyang bulsa ay inilabas niya ang isang litrato at ipinakita sakin.
Agaran ko iyong hinablot mula sa kanyang kamay nang mamukaan ang larawan.
Gulat kong tiningnan ang litrato.This is me three years ago. Nakangiti sa camera at masayang-masaya.
Naaalala ko na, nag date kami nuon sa isang lawa."Why do I have that fucking photo!?"
Naguguluhang tanong nito habang nakatingin sakin. I bitterly smiled at him.
Hindi ko alam na nasa kanya pa pala iyon. Too bad he can't remember. Siya ang nag picture sakin nun."Gusto ko ring itanong sayo yan, bakit nasayo to?" Nakangising tanong ko sa kanya. I don't want to lie to him, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat sa oras na ma alala na niya ko and this is not the right time.
BINABASA MO ANG
Gangster Girlfriend
Action"I hate her because she have you,and I hate myself because I can't have you."