KABANATA 12

4 0 0
                                    


"Miss Ferrer, why are you here?" Tanong sakin ni Dean ng makita niya akong pumasok.

Itinigil nito ang ginagawa at ibinaling ang atensiyon saakin. Sinenyasan niya akong maupo na agad ko namang sinunod.

"Uhm... Dean gusto ko ho sanang itanong kong anong maaari kong gawin para hindi ho ako ma expell."

Nabalitaan ko kasi mula kay Anya na kahapon ipinatawag ni Dean ang mga parents para pag usapan ang nangyaring kaguluhan sa cafeteria, hindi ako nakapasok kahapon dahil sa sakit ng katawan ko dahil sa laban ko nuong nakaraang gabi. Hindi rin naman makakapunta si Claire dahil hawak pa siya ni Gustav at kahit hindi naman siya hawak ni Gustav tiyak na hindi rin iyon pupunta, magagalit lamang iyon pag nalaman niya ang ginawa ko at mauuwi lamang iyon sa pag aaway namin. Hindi rin naman ako masiyadong nag aalala sa kanya dahil alam kong hindi siya sasaktan ni Gustav. lalo pa't may kasunduan kami.

"Don't worry Miss Ferrer I have decided, na
walang expulsion na mangyayari, and I will let you slide for now since this is your first offense. At alam ko ring ipinagtanggol mo lang ang iyong sarili."

"And also in behalf of my daughter I want to say sorry to you. I hope this won't happen again."

Nakahinga ako ng maluwag at sinserong nginitian si Dean.

"Thankyou Dean at sorry din ho kasi nasaktan ko yung anak mo." Bahagya lamang ngumiti si Dean at tumango sakin.

"Sige ho Dean alis nako maraming salamat ho uli." Pag papaalam ko.

Paglabas ko ng opisina ni Dean ay si Anya ang nag aabang sakin.

"Anong sabi ni Dean?" Tanong nito habang nag sisimula na kaming maglakad papunta sa room.

"Sabi niya walang expulsion na mangyayari."

"Psh! Talagang walang expulsion na mangyayari dahil ang bida-bidang Natalie na iyon ay naki-usap sa parents niya, para hindi matuloy ang expulsion." Iritadong sabi ni Anya.

"Ano namang ikinagagalit mo duon? Mas mabuti nga iyon."

"Tss. Sus tingin ko'y nag babait-baitan lang iyon."

Nag kibit balikat lang ako sa tinuran ni Anya , because I don't care wether she's sincere or not. Masiyado nakong maraming problema para abalahin pa ang sarili ko sa kanya.

"Siya nga pala ayos kana ba?" Tanong nito, bakas sa tinig niya ang pag-aalala.

Bahagya kong kinapa ang sugat sa gilid ng labi at napangiwi.

"Ayos lang ako." Saka ko siya binigyan ng ngiti.

Pag pasok namin ng room ay wala pang prof kaya may iilan pang nag chi-chismisan tuwing susulyap sa direksiyon. Siguro'y pinag chi-chismisan parin nila yung nangyari sa cafeteria.

Naruon narin si Primo katabi si Natalie, at si Gino at Tim na bahagya pang sumusulyap samin ni Anya.

Saktong pag upo namin ay pumasok si prof saglit niya akong sinulyapan, pagkatapos ay tumikhim at nag simulang mag turo.

"Nik!"

Naalimpungatan ako dahil sa tapik na naramdaman ko.

Kunot nuo kong sinamaan ng tingin si Anya nang siya ang mabungaran ko ng mag-angat ng tingin,bago inilibot ang tingin sa room.
Wala ng tao maliban samin ni Anya.

"Mukang pagod na pagod ka ata dahil sa laban mo nung nakaraan, umuwi ka nalang kaya muna at mag pahinga?"

Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses nito kaya nginitian ko siya saka inaya papunta sa cafeteria. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kanina.

"Porket galante ka ngayon malakas na ang loob mong mang-aya sa cafeteria hanep! Hahahaha" Nanunuksong sabi nito kaya bahagya akong natawa.

"Siguro nama'y mang lilibre ka ngayon?" Ngi-ngisi nitong tanong sakin kaya bahagya kong hinila ang buhok niya habang natatawa.

"Syempre!" pagyayabang ko sa kanya habang bahagyang nakataas ang nuo.

Pasimple kopang nahagip ng tingin ang mga babaeng titingin sa direksiyon namin saka mag bubulong-bulongan tss.

Kagaya ng dati ay naupo ako sa parating pwesto namin sa cafeteria, pagkatapos kong abutan ng pera si Anya na agad pumila para umorder.

Habang nag hihintay ay pasimple akong nag mamasid sa palagid dahil kanina kopa napapansin na parang may nakamasid sakin.

"Can I sit here?"

Kunot nuo kong tiningnan si Gino na bitbit ang tray ng kanyang pagkain habang nakatayo sa harap ko.

"Hindi." Pinal kong sagot. Ngunit ang loko ay walang pasabing inilapag ang kanyang tray ng pagkain sa mesa at nag hila ng upuan at itinabi sa upuan na para kay Anya,saka naupo kaharap ko.

"Bakit may tukmol dito?" Mataray na tanong ni Anya na kadarating lang bitbit ang tray ng pagkain namin habang nakatingin kay Gino.

"Sinong tukmol?" Iritadong tanong ni Gino na natigil sa pag kain at ibinaling ang atensiyon sa kadarating lang na si Anya. Pero inirapan lang siya nito, pagkatapos ay inilapag sa harap ko ang pagkaing para sakin.

Nag simula nakong kumain iniignora ang pag papalitan ng matalim na tingin ng dalawang nasa harap ko, pati narin ang matalim na tingin ng mga estudyanteng napansin ang pag sabay saamin ni Gino.

"Bakit kaba nandito sa mesa namin?" Bakas ang pag kairita sa tono ng boses ni Anya habang tinatanong ang katabi niya.

"Walang bakante." Tipid na sagot naman ng huli, na naka pokus lang sa kinakain nito hindi binibigyan ng tingin ang iritadong katabi.

Nangangalahati nako sa kinakain ko ng mapansin ko ang pagpasok ni Tim, kasunod si Primo at ang girlfriend nitong si Natalie.

Agad na tumama ang tingin nila sa mesa namin pero si Tim lang ang naglakas loob na lumapit. Samantalang ang mag kasintahan naman ay dumiretso sa mesa na parating naka reserve sakanila.

Malawak ang ngiti ni Tim habang nakapamewang sa tabi ni Gino na nag papatuloy lang sa pagkain. Hindi manlang binigyang pansin ang kararating lang na kaibigan.

"Anong hangin ang nag dala sainyong dalawa dito sa mesa namin?" Mataray na tanong ni Anya sakanila bago uminom ng tubig dahil tapos na itong kumain.

"Ano namang masama kung nandito kami sa mesa ninyo magkaklase naman tayo." sagot ni Tim sa kanya na inirapan lang ni Anya at palihim akong sinenyasan na umalis na.

Nung tumayo na si Anya ay tiningnan siya ng dalawa kaya tumayo na rin ako.
Aalis na sana kami ngunit pinigilan ako ni Gino na umalis.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kamay nitong nakahawak sa bag ko.

"I want to talk to you."

"Hindi pwede!" Apila ni Anya sa sinabi nito.
Pero wala ng nagawa si Anya nang hilahin siya palayo ni Tim.

Sinasabi kona nga ba't hindi wala lang ang pag sabay ni Gino samin.

Muli kong ibinaling ang paningin sa kamay niyang naka hawak sa bag ko. Ng mapansin niya ang tinitingnan ko ay saka  lamang
binitawan nito ang pagkakahawak sa bag ko at sinenyasan akong maupo. Kaya muli akong naupo sa harap niya.

Hindi ako umimik at hinintay lamang siyang mag salita.

Biglaang sumama ang pakiramdam ko, tingin ko'y na puruhan ata ako sa nakaraang laban ko. At mukang la-lagnatin ata ako.

"Uhhmm..."

"I really don't want to tell you this but I don't have a choice." 

"Napag-utusan ako ni Tita Clarise, na ibigay sayo to." Saka niya inilapag ang isang pulang invitation card sa harap ko.

And the next thing he said left me dumbfounded.

"Two weeks from now, Primo will be officially engage to Natalie..."


Gangster GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon