KABANATA 9

5 0 0
                                    

Malalakas na katok mula sa pintuan ang naging dahilan ng agaran kong pag bangon mula sa mahimbing na tulog.

Malamang si Anya ang kumakatok ng ganito kalakas sa pinto,siya lang naman ang may lakas ng loob na gisingin ako.

Tumayo ako habang humihikab na naglakad papunta sa pinto para buksan ito.
Hindi maipintang muka ni Anya ang bumungad sakin na ikina kunot ng nuo ko.

"Masamang balita!" Agad na sabi nito.

"Bakit? Anong nangyari?" Humihikab kong tanong. Mukang nakulangan ata ako sa tulog.

" Si Tita!..." Hindi mapakaling sabi nito, kaya naituon ko sa kanyang sasabihin ang lahat ng atensyon ko.

"Ano ngang nangyari!?" Naiirita kong tanong dahil nambibitin na naman siya.

"Wala siya sa inyo!"

"Ehh ano naman?" Asan ang masamang balita ruon. Parati namang lumalabas si Claire kaya wala talaga yun sa bahay.

"Anong ano naman dinukot siya!" Nagpapanik na siya, pero heto't kalmado lamang ako dahil wala namang big deal sa pag kawala ni Claire at lalong hindi siya madudukot baka nasa bahay lang ng isa sa mga boyfriend nito.

"Pano naman yun madudukot" Bagot kong sabi. Napakamot ito sa ulo napara bang hindi na alam ang gagawin para maniwala ako.
Kung saka-sakali sino namang siraulong dudukot sa kanya.

May kinuha siya sa bulsa saka inabot sakin tinanggap ko ang lukot na papel na iniabot niya at binasa ang nakasulat duon.

"Still don't want to accept my offer?"

- Gustav.

"Napulot ko yan sa labas ng bahay niyo ng pumunta ako para tingnan si Tita."

Napakuyom ako ng kamao at itinapon sa kung saan ang papel na hawak. Biglaang nag himutok sa galit ang damdamin ko.

Trip ata ako ng tadhana ngayon kaya sunod-sunod na gulo na ang dumarating sa buhay ko.

Agad akong pumasok sa banyo para maligo at mag bihis. Naabutan ko si Anya na nakaupo sa sofa. Napatayo ito ng makitang nakabihis ako.

"Bakit dinukot ni Gustav si Tita?"

"Hindi bat matagal na kayong walang komunikasyon? "

"Anong offer ba ang sinasabi nito?"

"Wag mong sabihing papasukin mo na naman ang mundo nila!?"

Sunod-sunod na tanong ni Anya. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng unan ko saka isinuksok sa likod ko. Tiningnan ko si Anya, nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at tinitingnan ang bawat galaw ko.
Bumuntong hininga ako at nilapitan siya.

"Wag kang mag- alala hindi sa saktan ni Gustav si Claire." Sabi ko na ikinaismid nito.

"Wag mong sabihing mag tatrabaho kana naman para sa kanya!" Galit na sabi nito.

"Hindi ko pa alam, kailangan ko munang malaman ang sitwasyon saka ako mag dedesisyon." Malumanay kong sabi.

"Sasama ako"

Agad akong napailing sa gusto nitong mangyari.

"Masyadong delikado para sayo."

"Pero ayokong tumunganga lamang."

Napangisi ako sa sinabi nito.

"Bantayan mo na lamang si Primo para sa akin,alam mo kung gaano kalaking tulong iyon." Sabi ko saka tinapik siya sa balikat at tinalikuran.Wala naman na siyang nagawa at hinayaan na lang ako sa gustong mangyari.

Gangster GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon