This one-shot story I made when I was at the first year college in PUP Sta.Mesa (Proud PUPian here! Who else?).. Our professor in Filipino (Language and Literature, I guess) told us to make a short story that makes the whole theory made.
He means that just a part of a scene of the story, its either in the beginning, the climax or in just the end of story, you will know what is the story about..
And as I didn't expect, this story I written in my sketch note (Which we passed in computerized) got 1.0!!! Yey!
After almost four years, I found my sketch note by now. I red my notes and I found this story.. Honestly, I can believe that I made this, that I wrote it a years ago. I already forgot!
And now, I wanna share it to all of you, my readers, friends and my babies here in wattpad.
Hope you'll like the story as you like my other works..
Enjoy!
Lovelots!
~Koolkat
----------------------
Gabi..
Malakas ang ulan. Habang kami'y magkahawak kamay ng isang lalaking matipuno, matangkad, maputi, madalas nakasimangot at malakas ang pangangatawan. Pero hindi si Adonis ang kasama ko ah, di naman kasi ako dyosa.
Tumatakbo kami ng mabilis, sinusuong namin ang malakas na ulan sa kahabaan ng kalsada ng Teresa sa Sta. Mesa. Mahigpit niya akong hawak at dali-daling hinihila patakbo, papalayo sa lugar na aming pinanggalinggan.
Basa na ang buong katawan namin ng ulan, sa pagmamadali pa nga, naiwan ko ang isang tsinelas ko at payong panangga sana.
Kahit may mga tao na nasa daanan namin, malakas nya lang itong tinatabig at hinahawi na parang kurtina lang, sabay galit pang sinasabing "Alis! Umalis kayo dyan! Padaanin nyo kami!" At kapag tumatabi ang mga tao, syempre galit ang mga ito at masama ang tingin sa amin. Sasabihin ko nalang na "Excuse us po" "Pasensya na po." at "Sorry". Nakayuko na ako sa hiya at nagpapakumbaba.
Medyo madulas ang daan at matubig na ang kalsada, masakit na rin ang isang paa ko, lalo kapag nakakaapak ng bato-bato. Pero mukhang wala siyang pakialam, basta lang makalayo kami.
Kahit siguro pakaladkad na nya akong bitbitin, gagawin nya. Makalayo lang talaga kami.
Ewan ko ba kung bakit nya pa ako kailangang idamay sa gulong pinapasok nya. Nananahimik akong nagaaral tapos tinabig nya ako, at ngayo'y sabay kaming tumatakbo sa ulanan..
Madalas siyang napapasok sa away at alitan, siguro dahil sa magasapang nyang ugali at taklesang pananalita kaya maraming may ayaw sa kanya. Matalino naman siya, tamad nga lang. Ayaw niyang may nakikialam sa ginagawa nya. Maliban nalang siguro sa akin.
Naliligo siya ng sermon sa akin pero tahimik lang siya at di nagsasalita. Para tuloy akong nakikipagusap sa hangin.
Napakabasagulero, gulo at tarantado ng isang ito. Napakagulo at napakasakit sa ulo ng napasok kong buhay sa kanya. Wala na yata syang alam kundi makipagbasag bungo at buto!
Minsan lang sya nagaaral, kapag finals lang ng exams, pero ang nakakapagtaka ay nakakapasa pa rin siya.
Hindi ko alam kung gumagamit ba sya ng anting-anting sa exam pero kung meron man, hihingi ako!
Pero isa sa kinabibiliban ko sa kanya ay wala siyang masamang bisyo gaya ng alak, sigarilyo o droga man. Galit sya roon. Ewan ko lang kung bakit. Concern din yata siya sa future health nya.
BINABASA MO ANG
Koolkaticles Koollections (One-Shot Stories)
General FictionThis my KOOL-lection of my Original ONE-SHOT STORIES. A compilation from different genre of my work of art. This all my OWN ideas and from my imaginary dreams fresh from my brain cells.