Lecture on How to choose your Genre

138 8 0
                                    


When it comes of choosing your Genre, you have first know the following about yourself:

-Your passion on writing

-Comfortability of making your story lines

-Your story want to make

-Knowledge about the story

-What you want to readers think about your story

Alam nyo, wala talaga akong genre, nalaman ko lang ang mga tamang genre noong nagsimula na akong mag-wattpad. Mahilig ako sa action, horror/thriller, mysteries, fantasy at sci-fic pero hindi ko pala kaya pang gumawa ng ganyan when it comes on writing(but i'm not closing any door). Di ako nanunuod ng mga romance kasi boring at korni para sa akin, pero nung nakapagbasa na ako, I just can't stop it!

=ACTION

(Kung mahilig ka sa madugong bakbakan at less drama, ito ang genre mo. Sa action kasi, more on Realistic sya at Physical. Although, pwede mong haluan ng ibang genre pero dapat focus ka sa mga bakbakan, any sports, awayan, barilan, bombahan at brutalang scenes.)

=ADVENTURE

(This genre may contains more on intense and risky scenes. Yung tipong palaging nasa mapanganib at alanganing pangyayari ang mga characters mo. Hindi lang ito tungkol sa paglalakbay at pagtuklas ng mga characters mo sa kung anu-anong bagay, maaari ring may pagka-shakey o edgy ang bawat scenes.)

=CHIK-LIT

(This typical genre were includes smart and fun fiction of women in all ages. Kadalasang bida o POV ay sa isang kwela o pasaway na babae(pero di ko sinasabing dapat babae lang). Kung trip mo ang informal way or free spirited writing sa story mo, bakit di subukan ang genre na ito.)

=CLASSICS

(This type of genre includes many genres but more typically as an old fashion. Kung trip mo ang pormal kung pormal at mas makatotohanang pangyayari sa kwento. Baka ito ang genre mo.)

=FAN FICTION

(This type of genre may based on other's work. Kung na-inspire ka sa story ng iba at trip mo rin yung plot, maaari mo itong gawing genre mo. Kaso may advantage and disadvantage ito sa mga writer.)

(Advantage: Maaaring magustuhan ng iba ang pagkakagawa mo sa fanfic story mo dahil kasing ganda ng original.

Disadvantage: May magki-critisize talaga sa gawa mo kahit ano o papaano mo pa sya ginawa. Kahit maganda ito o hindi, may mga mambabasa talagang basag trip.)

=FANTASY

(This genre may inspired by Mythology and Magic. Dito rin yung unusual and unexisted creatures pero sa story mo, buhay at posible silang lahat. Lahat ng kahiwagahan at pantasya ay pwedeng lamanin ng genre na ito. Kung creative ka, ambisyoso at masyadong malikot ang imahinasyon, dito sa genre na ito dapat mong i-apply yan.)

=GENERAL FICTION

(This may includes all types of genre but it targets the older readers. Kumbaga, pang matured na pagiisip na mambabasa ang tina-target mong makabasa ng kwento mo. Pwede syang tungkol sa kabataan, romance o kahit pang horror o fantasy pero pormal ang mga salitang gagamitin mo. Bawal ang "jeje" at emoticons.)

=HISTORICAL FICTION

(This genre contains historical or past places or features. Kung trip mo naman ang pagbabalik tanaw noong mga Barbaric times, Pre-historic o Ancient civilization, why don't you try to be in this genre? Ang paggawa ng story na makaluma ang tema, pananamit, pamumuhay pati pananalita ay talagang nakaka-inspire. Para mo na ring kinukwento ang mga naranasan ng mga taong nabubuhay noong wala pa ang mga "jejemon" hahaha.)

Koolkaticles Koollections (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon