The Unwanted (Part 1)

111 4 10
                                    


Most of the woman has their own standard and basis they look for when finding such a great man of their dreams.

Some of them has a little luck when that ideal man comes along.

But when you find that perfect match in two men, how would you manage to choice one?

Be careful of the man who will you choose, because the other one whom not, will never accept the fate of being The Unwanted.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*School Bell Rings


Maiingay na estudyanteng tila kapapasok palang muli.

Napakalawak na lugar ng unibersidad.

At ang mga mahal na kaibigan na nabuo na rito.

Napakasaya pa rin talagang magbalik sa paaralan.

Tila nananabik rin si Angelou sa pagbabalik niya ng eskuwela makalipas lamang ang tatlong linggong semester break. Sa wakas kasi, malapit na siyang magtapos ng kolehiyo sa pangarap na kursong arkitekto.

Tila tinatangay-tangay pa ng malamig na hangin mula sa malalaking puno sa paligid ang kanyang tuwid at mahabang buhok sa kanyang paglalakad patungong gusali ng kanyang kurso at dumiretso na ng kanyang silid aralan. Nananabik na rin siyang makita ang dalawang matalik na kaibigan na hindi niya rin nakasama noong bakasyon.


Marahil siguro ay unang araw pa lamang muli ng klase, hindi muna nagturo ang kanilang propesora at sa halip ay hinayaan silang gawin ang gusto nilang gawin pagdating sa pagpapakita ng talento sa klase.

Maraming nagpakita ng kani-kanilang talento ang mga kaklase ni Angelou, kagaya ng isa sa mga matatagal niyang kaibigan simula pa noong highschool na si Jessica.

Kumanta ito kasama ang nobyong si André ng kanilang paboritong kanta at walang duda ang galing ng dalawa pagdating sa pag-awit.

"Ang galing mo talaga Jess, parang ang tagal kong hindi narinig ang boses mo."-Pagbati ni Angelou habang pumapalakpak pa.

"Salamat."-Sagot din naman sa kanya.


Natapos ang oras para sa klase na ito na tila puro kasiyahan. Magandang panimula para sa kanilang magaaral.

Naglabasan na ang mga estudyante matapos ang oras. Ang iba'y nagtungo sa ibang klase, ang iba'y para kumain.

"Uy girl!"-Pagkalabit ni Pia kay Angelou.

"Hey?! Bakit ngayon ka lang?!"-Halos mapatalon siya para mayakap ang kaibigang matagal hindi nakita.

"So siya lang?!"-Bungad pa ni Mela na nasa likuran ni Pia.

"Mela!"-Mabilis siyang nagtungo sa isa pang kaibigan mayakap din ito.

"Girl, ikaw ah? Kamusta bakasyon sa Cebu?"-Tanong ni Pia.

"Ah, hehe masaya naman. Napakaganda doon. Next time, tayo naman ang magbabakasyon doon!"-Natutuwang saad ng dalaga.

"Sure! Tapos doon tayo sa magandang hotel --"-Mela

"May rest house na kami doon. Mas makakatipid tayo?"-Pagsabat niya sa kaibigan na tila may kompiyansa.

"May swimming pool ba?"-Pia

Ngumiti lamang siya dito at tumungo bilang sagot.

"Aaaah!"-Tili nung dalawa.

"Perfect! After ng graduation, let's go --"-Mela.

Koolkaticles Koollections (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon