The Perks of being Clumsy
By Koolkaticles
Hi kateranara here's your request ;)
----------------------------------------------------------------------------
Hoy Katherina! Bumangon ka na dyan!!!"
Huh?!
Hala?!
Nako!!!
Biglang bangon ako ng kama ko pero sa sobrang usog ko sa uluhan ng kama ko, nauntog ako sa headboard.
"Aaargh.."-Tuluyan tuloy nagising ang diwa ko sa lakas ng pagkakauntog ko. Ang sakit!
*Blag! Blag! Blag!*
"Hoy Kate! Ano ba?! Kanina pa kita ginigising dyan!"-Bulyaw pa ni mama. Napakabungangera talaga.
"Heto na po!"-Sagot ko nalang at bumangon na ako. Sayang naman yung panaginip ko! Palagi nalang hindi natutuloy dahil bunganga kaagad ni mama yung nagwawang-wang!
Palagi akong nananaginip na isa daw akong napakagandang prinsesa sa isang napakagandang pagdiriwang. Lahat ng tao ay nabibighani sa akin at may nag-ayang magsayaw sa akin na napakagwapo at matikas na prinsipe. At nung hahalikan na dapat niya ako, ayun! Bunganga na ni mama ang bumubulabog! Hays.
Diretsong banyo nalang ako at naligo. Ready for school again.
"Mama ano pong --waaaah!!!"
Medyo nagmamadali kasi akong bumababa ng hagdanan kaya nitong dalawang huling baitang na lamang ay nadulas pa ako. Tsk!
Plakda na naman ang pwet ko sa sahig. Suking-suki ako nito ah.
"Pambihira ka talagang bata ka. Ang aga-aga, yung sahig ang pinupuntirya mo!"-Bwelta pa ni mama habang naghahain ng almusal. Sanay na kasi siya sa kagaslawan ko.
Lumapit ako sa mesa para tulungan siyang maghain pero --
"Ako na 'nak, maupo ka na dun. Baka mabasag mo pa itong mga plato. Kabibili ko lang nito kahapon."-Saad lang ni mama sa akin.
"S-sige po.."-Sagot ko naman sabay upo na.
Medyo hindi ako pinapakilos ni mama sa bahay, imbes daw na luminis at mawala ang mga kalat, lalo daw nadadagdagan. Kagaya nalang pagbasag ko ng mga plato, baso at tasa sa tuwing maghuhugas ng pinagkainan. Ang ending, si mama din daw ang magliligpit. Kaya siya nalang ang gagawa kaysa makasira pa ako.
Hindi ko naman ginusto yun eh. Madulas talaga ang sabon noh!
"Alis na po ako ma!"-Pagpapaalam ko na.
"Oh ingat ka 'nak! Tatanga-tanga ka pa naman!"-Kahit basag ako palagi dyan kay mama, mahal na mahal ko pa rin yan.
"Opo!"-Sagot ko nalang at humarap na ako sa pinto, pero bigla akong bumanga dun kasi sumara kaagad. Hays.
Nang makarating ako ng school ay kaagad namin tinapos ng mga group mates ko ang project naming handcrafted medicine cabinet sa Home Economics. Lakas maka-Elementary pa ng peg. Eh forth year high school na po kaya ako noh.
"Kate, dito ka na lang ha? Kami ng magdadala nito kay Sir sa loob ng faculty, baka kasi maaksidente pa ito kapag ikaw pa ang naghawak eh."-Saad naman sa akin ng kaklase kong mukhang walang tiwala sa akin.
BINABASA MO ANG
Koolkaticles Koollections (One-Shot Stories)
General FictionThis my KOOL-lection of my Original ONE-SHOT STORIES. A compilation from different genre of my work of art. This all my OWN ideas and from my imaginary dreams fresh from my brain cells.