Loved and Lost

12 0 0
                                    


After all these years that I've been hiding and avoiding people that means a lot to me, finally I'm stepping out of the darkness from my past.

"Mamili ka, yang nanay mo o ako?"

"Yuni, she's my mom."

"Okay, I knew it. Kaya siguro ni hindi sumasagi sa isipan mo na pakasalan ako after all these years we're have been together!"

"Yuni, please wait!"

Still it's fresh as my newly baked breads these memories from my past after three years. Couldn't deny it was still part of me.

I'm attending now my best friend's son's birthday celebration. I'm a pastry chef for eight years and started my own business just last year. Couldn't be thank enough that it became successful so far.

"How are you bessy? Nice to see you again!" Yakap pa niya sa akin sabay halik sa pisngi.

"I'm great. Happy Birthday to Mason."

"Thank you. And thanks sa cake ah? Sure kang ayaw mo talagang magpabayad?"

"Gusto mo pa ba? Regalo ko nalang sa inaanak ko yun."

"For sure masarap yun! Tara na't mag-blow na siya ng candles!"

Nauna na siya sa akin dahil naabutan pa ko ng ilang kaibigan din namin na matagal ko ng hindi nakikita at nakakausap. Nagbatian, nagkamustahan at syempre in-endorse ko pa sa kanila ang aking bake shop.

"Really? You have your own bake shop? What happened to your and Spencer's –" Napansin kong siniko siya ng isang naming kaibigan kaya naputol ang kanyang sinasabi. Akala ko okay na ko, pero noong marinig ko biglang pangalan niya, may kung anong kirot pa rin pa pala.

"Ah, we're glad you finally had your own business, Yuni. We will definitely going to visit there."

Matipid na ngiti na lamang ang naitugon ko sa kanila. Humahanap nalang ako ng tiyempo para makaalis sa usapan na ito pero tila isang maling desisyon na lumingon pa ko sa likuran ko.

Pakiramdam ko nananaginip ako ngayon. Parang biglang nanlalabo ang paningin ko pero yung bilis ng kabog sa dibdib ko tila palakas ng palakas. Habang tumatagal, papalapit ng papalapit, mas lalong lumilinaw, mas lalong hindi naman ako makagalaw. Tila naghahabol na ako ng hininga, hindi ko rin alam kung bakit tila napako na ang paningin ko. Nararamdaman ko na ring nanginig ang tuhod ko.

Habang nalalakad siya at binabati ng mga taong nasa paligid, narito lang ako at natutuod sa isang tabi.

"Spencer!"

Ang totoo, gusto ko ng tumakbo. Hindi ko pa yata kayang harapin siya matapos ang tatlong taon. Daig ko pa ang paralitiko sa nararamdaman kong pagkamanhid ng buo kong pagkatao. Alam kong papalapit na siya kaya kaagad kong inilihis ang ulo ko. Nakita na niya kaya ako?

"Oh my God Spencer! It's been a long time!"

Alam kong narito na siya. Isang hininga nalang ang pagitan namin. Naramdaman ko ang paglagpas niya sa akin ng sumagi ang damit niya sa braso ko. Bigla akong nilamig.

Pinagkaguluhan siya at tila hindi naman niya ako napansin. Nang makahanap ako ng pagkakataon para makaalis, kaagad na akong tumalikod sa kanila ngunit –

"Yuni?"

Tila inatake yata ako sa puso? Ako naman ang nangiwan di ba? Ako naman yung lumayo? Pero bakit pakiramdam ko, ako pa talaga yung nawalan? Ako pa talaga yung nasaktan? At patuloy na nasasaktan hanggang sa ngayon?

I looked back at him and I forcibly draw a smile on my lips before I truly go.

Tama nga kaya ang ginawa ko naman ito?

"Bessy naman eh? Alam mo naman di ba yung pinagdaanan ko? Bakit kailangan ko pa kasi siyang makita ulit? Okay na ko eh. Okay na ko! Tapos – tapos bigla ganito?" Halos sumisigaw na ako habang nagrereklamo. Sa wakas nakapagsolo na kami ng best friend ko.

"Sorry bessy, hindi ko naman alam na inimbitahan pala siya ni Mike eh."

"Botcha naman bessy eh! Akala ko kasi okay na ko matapos ang tatlong taon, akala ko moved on na ko at kaya ko ng mabuhay wala siya. Tapos biglang nakita ko pa siya? Bakit pa? Hindi pa ba niya ako tapos pahirapan?"

Hindi ko na mapigilan ang luha sa mga mata ko. I admit it, hindi pa ko moved on sa ex-boyfriend ko at kinasama ng limang taon. Mayroon kaming bake shop noon, alam kong isang malaking pagbabakasali ang tumaya sa kanya kahit pa alam kong hindi niya ako kayang pakasalan dahil sa magulang niya. Gusto kasi ng parents niya na pakasalan niya ang anak ng kaibigan nila dahil sa negosyo. Pero hindi ako bumitiw, umasa akong baka magbago ang isip nila sa akin kaya ginawa ko ang lahat.

Minahal ko si Spencer at alam kong ganoon rin siya sa akin. Bumuo kami ng pangarap at ang aming bake shop. Tinuring ko na iyon na parang anak.

Pero tingin ko, kahit pa nagmakaawa ako na ako ang piliin niya, hindi niya kayang saktan ang magulang niya. Kaya minabuti ko na lamang na umalis kaysa masaksihan pa kung papaano niya ako iwanan dahil hindi ko kakayanin.

"Bessy tell me, am I not worth it?"

"Of course you are bessy."

"Pero bakit hindi niya nagawang ipaglaban ako? Hinayaan niya lang akong umalis at maging ganito kamisarable?"

"That's not true!"

Pareho pa kaming napalingon sa likuran ko. "Hinabol kita. Hinanap. Pero ikaw ang ayaw magpakita. Hindi ako tumigil hanggang hindi ko nasasabi sa iyo kung gaano kita kamahal, Yuni."

"Mahal mo ko? Pero hindi mo ako nagawang panindigan, Spencer!"

"I know, Yuni. And I regret it all every second of life since you left. I never be the same again without you. You're not just a girlfriend to me. We were my best friends also, right?"

"Stop this Spence, I had enough."

Pero hindi ko inaasahan ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit. And I have to admit na na-miss ko talaga siya.

"Forgive me Yuni. I wanna make all these mistakes into right. And I promise I will never let you go again. Just give me a chance"

Shall I take a risk again? I think I still truly love him enough to take a risk again.


-----------------------------------------------------------------------------

All right reserve 2017

Irah Punzalan (Koolkaticles)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Koolkaticles Koollections (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon