So I have been married to the most amazing woman in the world that I met.
She's my everything now and the only love of my life. We've been married for three years but we still act just like a teenage couple. She's my best friend, my teacher, my partners in crime and sometimes a mother to me. She always cares and so sweet to me, and I couldn't ask for more.
One day, something I just noticed about her, she doesn't cook our breakfast today. I feel kinda annoyed but still I understand her. She just said she feels lazy and irritated that even once, I never cook a breakfast for her.
Next, she became savage and sarcastic to me. Like, when I ask her where my car keys or my favorite shirt is, she answered that, "Damn? Wala ka bang mga mata maghanap at puro ka dakdak?" Well, she was right. I just get to use to that I always depend on her.
She became careless and moody, sometimes she doesn't want to talk to me and became pissed off easily. She always put up a fight into something that is worthless.
"Bakit hindi mo nabili yung sibuyas? Paano ko lulutuin yang pagkain mo?"
"Im sorry hon, I thought nasama ko na sa cart eh."
"Sorry? Yang sorry mo ang isasahog ko dito ganun?"
We always had a fight. The day won't last without our small fights get into a bigger one. She also just began losing her trust to me while I'm still proving my loyalty.
"O.T? O.T na naman? Dati hindi ka naman pala O.T ah? May pinag-o-O.T-han ka ba sa opisina niyo at hirap na hirap kang makaalis dun?"
"Hon, marami lang talagang trabaho ngayon."
"Eh di unahin mo yang trabaho mo total masaya ka diyan eh!'
Hindi ko na siya minsan maintindihan. Minsan naisip ko ng may nagawa ba akong mali?
Araw-araw nalang kami nag-aaway, madalas na akong late umuuwi kasi ang totoo? Kapag umuuwi ako, alam kong away lang ang dadatnan ko. Pagod ka na sa trabaho, madadatnan mo pa ang asawa mong talakera. Hindi ko na makita ang babaeng minahal ko noon, o kung nandyan pa ba talaga siya. Minsan din naiisip ko, mahal pa ba kaya niya ako?
Isang gabi, lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Tahimik lang siya at mukhang nagsusumamo. Nakayuko lang siya at nakatingin sa mga kamay niya. Nakita kong hinahaplos niya ang wedding ring naming parang niluluwagan niya.
From that moment I saw her doing that, hindi ko mapigilang hindi mangilid ang mga luha ko. Iiwan na ba niya ako?
"Hon, I just want to say, I am so sorry."
"What do you mean, hon?" – Pero ang totoo, may ideya na ako sa gagawin niyang ito, pero kailangan kong magpakatatag.
"I'm so sorry to all the things I've done to you. Sa lahat ng mga pang-aaway at pagbabalewala ko sa'yo pero –"
"Please hon, don't say that you will leave me."
Hinaplos niya ang mukha ko at ngumiti ng bahagya. Muli kong nasilayan ang magagandang ngiti na iyon na akala ko'y nawala na.
"Hon, I'm pregnant."
Muntik ng gumuho ang mundo ko pero daig pa ng nabuhusan ng malamig ng tubig na ma-realized ko ang sinabi niya.
"You what?"
'I'm so sorry kung palagi kitang inaaway ah? Kung palagi akong moody at tinatamad na. Hormones lang pala yun. Nagpa-check up ako kanina, and the results says, I'm pregnant. Magiging daddy ka na, Hon."
Akala ko katapusan na ng relasyon namin. Akala ko mawawala na ang babaeng pinapangarap ko noon pa man. Akala ko susuko na ako pero hindi. Hindi ako bumitaw. Lahat talaga ng pagsasakripisyo at pagmamahal na ibinibigay mo kahit walang kapalit ay may katumbas na mas magandang bagay na babalik sa'yo.
Hindi nawala sa akin ang asawa ko, bagkus ay madadagdagan pa kami ngayon.
___________________________________________________________
All rights reserved 2015
Irah Punzalan (Koolkaticles)
BINABASA MO ANG
Koolkaticles Koollections (One-Shot Stories)
General FictionThis my KOOL-lection of my Original ONE-SHOT STORIES. A compilation from different genre of my work of art. This all my OWN ideas and from my imaginary dreams fresh from my brain cells.