KABANATA 3

49 4 2
                                    

Pagkatapos ng prayer namin ay nagpunta agad ako sa faculty dahil ipinatawag ako ni ma'am namin. Para iyon sa mga meryenda at inumin ng mga kaklase kong sasabak sa sports. Ang color code namin ngayon ay purple. Buti nalang meron ako noon. Kada sport feast kasi namin iba't ibang color ng damit ang isusuot namin sa bawa't section. Ang feast day namin ay isang linggo kaya talagang susulitin namin dahil pagkatapos nito ay exam na namin para sa semi.

Nakapasok na ako at nagmano sa mga teachers doon. Isa iyon sa ginagawa naming mga estudyante sa catholic school ang magmano sa mga teachers. Nakita ko agad si ma'am kaya nagwave ako ng kamay sa kanila. Ngumiti agad si ma'am at kinawayan ako para pumunta sa desk nila.

"Goodmorning po ma'am" Sabi ko sabay mano sa kanila at upo sa harapan ng lamesa nila.

"Anak, pwedeng ikaw na muna bahala sa mga kaklase mo kasi may kailangan kaming ihabol sa district" Sabi nila habang kinukuha ang mga inumin at meryenda ng mga players.

"Opo ma'am, huwag po kayong magalala. Kami na po ang bahala sa kanila" Nakangiti kong sabi. Ibinigay na ni ma'am sa akin ang inumin at meryenda.

"Salamat nak ah, Sandali tatawag ako ng kaklase mo para may kasama kang magbuhat papunta sa room" Sabi ni ma'am sa akin sabay alis na at pumunta sa pinto para makapaghanap ng mga kaklase ko.

Tinignan ko naman ang mga ibinigay ni ma'am. Tatlong malalaking gatorade at tatlong plastic ng iba't ibang meryenda. Hindi ko kayang dalhin iyon. Sa bahay nga ayaw akong pinapabuhat ni mama ng mabibigat dahil bawal iyon sa mga babae.

Pagbalik ni ma'am kasama na niya si Ran na nakangiti habang naglalakad at nakatingin pa talaga sakin. Sumimangot ako sa kanya. Sa dami rami ng makikita ni ma'am, siya pa talaga. Napansin kong nakaheadband siya na black, iyong nabibinat. Kaya mas lalong nakikita ang moreno niyang balat at ang noo niya.

"Si Cordreon ang tutulong sayo. Buti nalang siya ang nagvolunteer kasi nakita ko silang naguusap sa labas ng faculty. Anak, galingan niyo ah. Maglalaro na kayo mamayang 9AM" Sabi ni ma'am kay Ran.

Nakavarsity shirt na kasi sila at si Ran talagang pinapakita niya yung nike niyang sapatos. Diyan siya magaling sa pagdisplay ng sapatos niya. Branded daw kasi kaya kailangang ipakita sa lahat.

"Kami pa po ba ma'am. Champion agad, walang kahirap hirap ma'am" Mayabang niyang sabi.

"Huwag masyadong mayabang dapat humble lang kayo basta masaya kayo at walang nakakaaway okay iyon. Nabalitaan kong may isa sa mga member mo na naka3rd foul kahapon" Sabi ni ma'am.

"Opo ma'am, medyo nahirapan kami doon kaya lusot kami ng lusot kaso nagiging foul po. Mahina po kasi magcheer mga girls ma'am" Sabi niya sabay kamot pa at saglit na tingin sa akin. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Hindi po iyon totoo ma'am. Halos malagutan na po kami ng boses at hininga kahapon kakasigaw sa inyo. Ang sabihin mo kumapos kayo sa galaw niyo" Sabi ko sabay kuha na ng plastic.

"May nagagalit na haha. Sige po ma'am una na po kami, pagbalik niyo po kami na po ang champion" Rinig kong sabi ni Ran.

Nasa pintuan na ako ng hinintay ko pa siya dahil siya ang may buhat ng inumin nila.

"Akin na iyang plastic na dalawa. Mukhang mabigat" Sabi niya sabay kukunin sana sa akin pero nauna akong lumabas kaysa sa kanya. Sumunod agad siya na natatawa.    

"Huwag na, kaya ko naman at alam kong kapag nasa sayo na baka makalahati na agad" Mataray kong sabi. Ngayon ay sabay na kaming umaakyat sa hagdan. Nasa ikatlong palapag pa ang room naming mga senior high.

"Busog pa naman ako ngayong umaga. Gusto lang naman kitang tulungan"

"At talagang may balak kang kumuha nga dito kung hindi ka busog. Lagi ka namang binabaunan ni tita ng chicken sandwich-- teka, nagchat sa akin si tita kagabi na mayroon din daw siyang ibibigay sa akin" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon