KABANATA 4

38 4 0
                                    


Nagising ako sa ingay ng plastic at parang may umiinom. Idinilat ko ang mga mata ko at magpupunas sana ako sa mata gamit ang kanan ko pero nakalimutan kong may sugat iyon. Napahiyaw ako dahil medyo sumakit iyon.

"Don't move your hand. Natulog kalang nakalimutan munang may sugat ka" Sabi ni Ran na kakatapos lang uminom ng coke. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko para makaupo ako.

"Anong oras na ba? Matagal ba akong nakatulog?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Nakita ko namang may take out na doon na Mcdo. Hindi na niya nakayanan at nagtake out na.

"12AM na kaya nagpatake out nalang ako kay Mia. Gusto mo na bang kumain?" Tanong niya sabay lapit sa pagkain at inilabas niya iyon.

"Kanina pa ako gutom habang nanunuod sa inyo. Hindi ako nagmeryenda kakatingin at kakaasikaso sa mga estudyanteng mga nanunuod" Nakanguso kong sabi. Binuksan ko ang ibinigay niyang pagkain sa akin at napangiti ako dahil chicken fillet iyon. May dalawang ice coffee pa doon, dalawang coke at may dalawang ice cream pa with large fries.

"Humiwalay ka kay Mia at hindi kana mapigilan. Matigas din ulo mo minsan, mahirap kang hagilapin kanina" Sabi niya habang nililinisan ng tissue yung mga plastic na tinidor at kutsara.

"Basta ayoko lang talagang may masaktan doon. Itinabi na ba iyong sirang barrier?" Tanong ko sa kanya habang inilalapag niya iyong pagkain sa kandungan ko. Iniusog niya naman ang upuan niya sa harapan ko.

"Ayaw mong masaktan ang ibang tao pero willing kang masugatan para sa kanila. Inilagay na sa likod iyong sirang barriers kasi nakarating kay principal at nagalit sila kasi hindi pa daw nila tinanggal iyon ng wala pang nasusugatang estudyante" Mahabang sagot niya sa akin sabay tingin sa akin.

"Kumain na tayo, baka gusto mong subuan kita kasi may sugat iyang kanan mong kamay?" Tumango nalang ako sa kanya. Kanan pa iyong nasugatan.

Sinubuan niya na ako gamit iyong kutsara ko. Tinitignan ko lang siya habang kumukuha pa ulit. Akala ko ay para sa akin iyon pero para sa kanya.

"Teka! Bakit kutsara ko ang ginamit mong pang subo? May extra naman diyan" Takang tanong ko. Isinubo niya sa akin iyon at sinubo niya rin sa kanya. May indirect kiss na kami.

"Wala namang masama doon at indirect kiss lang naman. Huwag kang magalala nagtoothbrush ako at mouthwash. Wala rin akong bad breathe" Sagot niya sa akin sabay taas ng kutsara sa harapan ko. Hindi na sana ako kakain ng bigla siyang sumagot ulit.

"Walang extrang kutsara at tinidor kasi naubusan sila" Nakangisi niyang sabi. Nagsisimula na naman siya.

"Ang pagkakaalam ko hindi nauubusan ang Mcdo ng plastic na kutsara at tinidor. Baka ikaw lang talaga nagrequest ng isang kutsara at tinidor sa kanila. Ran naman eh" Pagmamaktol ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko. Sinimulan ko ng inumin ang ice coffee without ice. Alam niyang ayoko sa sobrang malamig.

"Para makatulong tayo sa environment. May kirot ka pa bang nararamdaman diyan sa sugat mo?"Tanong niya sabay tingin sa kanan kong braso. Umiling ako sabay nguso sa pagkain at nakuha niya naman iyon kaya sinubuan niya ako. Nakalahati ko na iyong ulam at kanin samantalang siya ay ubos na niya kanina pa.

"Kapag naigagalaw ko sumasakit pero iyong hapdi wala na. Sino palang nanalo sa laban ninyo?"

"Matinik kaming maglaro ng mga kasama ko kaya kahit na anong gawin nilang puntos hindi sila nakaabot kahit na wala na ako doon. Kami ang nanalo, ang mga magagandang ginoo ay hindi natatalo" Mayabang niyang sabi sa akin. Ngumiwi ako sa kanya kasi mahangin.

"Hinay hinay ka naman. Gusto ko pang kumain pero nabubusog ako dahil mahangin ka. Nilalamig na nga ako haha" Natatawang sabi ko sa kanya sabay dila. Umiling lang siya sabay subo ulit sa akin ang pinakahuling pagkain ko. Meron pang unting fillet. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nang biglang kinuha na niya iyon sabay kain at nakatitig pa talaga sa akin. Dahan dahan niyang dinilaan iyong kutsara na nasa bibig niya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya samantalang siya ay nakangisi sa akin.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon