KABANATA 13

19 1 0
                                    

Sobrang bilis ng araw at isang buwan nalang ay senior ball na namin. After ng senior ball namin ay graduation na namin. Tapos na kasi ang finals namin mas inuna ang academic namin para masaya ang mga estudyante. The past few months have been amazing and I am grateful kasi mas lalo kaming napalapit ni Ran sa isa't isa. He's still waiting for me to be ready, and apparently, he's still the same flirty. Mas lalo siyang humarot at maharot sa akin.

"Guys, from now on ay practice days na natin for our upcoming senior ball. Don't be too excited lalo na iyong mga taong liban ng liban. Attendance is a must kaya  dapat complete tayong lahat" Sabi ko sa kanila. Naghiwayan naman ang mga babae dahil ito ang pinakamagandang parte ng senior high ang ball.

"Pre, yayain muna si laura para siya makadate mo at first dance mo. Baka maagawan ka ng iba lalo pa at mabagal kang gumalaw" Sabi ni Jay kay eric. May gusto kasi si eric kay laura sa ibang setion. Porte kasi siya kaya kailangan ng friend para maitulak siya sa kung anong gusto niyang gawin.

"Magpapagawa ka ba ng gown mo o rent lang? Mas maganda rent para yung sukli pambayad sa make up artist" Sabi ng isang kaklase kong babae.

"Bakit kapa magrerent kung may mahihiraman ka naman. Mga kapamilya niyong rich pero mabigat sa loob nilang ipahiram haha"

"Alam niyo girls sobrang ganda natin at huwag na huwag niyong ipilit ang mga sarili niyo sa di kaya ng bulsa. Kung may alam kayong pwedeng makatulong sa iba. Pwede namang ilapag na dito haha share share ba"

"Tama, pwede naman tayong mag-ayos sa isa't isa lalo na may isa sa ating marunong magmake up. Tipid na nga nakatulong pa tayo sa isa't isa"

"Bet na bet iyang suggestion mo pero paano kapag marami tayo? Kawawa naman iyong magaayos satin"

Napangiti ako sa mga naririnig ko. Sa room namin ang definition ng pamilya. There are no toxic or exotic vibes in our room. Tulungan talaga at kung may kailangan ng tulong ay sila na mismo ang hahanap ng paraan para masolve agad. Being a president in this class, I am proud that we gathered here as one and as a family. Napakaunti ang mga nakakaranas nito ngayon.

"President, mga anong oras schedule natin ng practice? Makakasama natin ang grade 11 diba? Sana hindi sa mainit na area tayo magpractice. Sayang kojic" Sabi ng isang kaklase kong lalaki. Natawa ako sa sinabi niya.

"Ngayong araw ay may practice tayo. Ang oras ay 9:00-11:30AM sa mini stage tayo. Hindi mainit dahil may puno doon na malaki at tapat natin ang canteen. Iyong mga pupuslit ay hindi makakatakas" Parinig kong sabi sa kanila at tumingin sa mga taong alam kong mahilig sa gala. Nakita ko silang nagkamot sa mga buhok nila.

"May taga lista sa section natin. Hindi lang ako dahil sinabi iyon ni ma'am. Please guys, each of us must obey and enjoy practicing with our partner. Isang oras mahigit lang tatagal baka mamaya niyan mamiss niyo ang bawa't minutong kasama niyo mga kaklase natin" Sabi ko. 

From the start until now parang ang hirap isipin na magkakahiwalay na kami at may lalayo para mag-aral sa dream school nila. Preparing for college is sucks lalo na kapag nakabuo kana ng isang barkadang pamilya ang turing ninyo sa isa't isa.

"Pres, ikaw sino makakapartner mo sa ball natin?" Tanong ng isang kaklase kong lalaki.

"Tinatanong pa ba iyan? Halatang halata na. Si Ran ang makakadate niyan plus partner pa"

"Yiee, sana kayo ulit ang Prom Queen and King"

"Bagay na bagay kayo sana kayo nalang talaga sa huli. Naku kapag hindi sobrang laking sayang"

"President and Captain love story begin"

"Ano na bang status niyo ni Ran pres? May level na ba?" Tanong ni Jay.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon