KABANATA 1

111 6 0
                                    

Nakapagbayad na kami at umalis na sa restaurant. Malayo pa ang school namin pero pinili nalang naming maglakad para pagpawisan din minsan. Kung tatanungin ako kung bakit ganito ako kahit naman may kaya ang kamilya ko. Mas gusto kong maging normal at masaya sa kahit maliit na bagay o pagkain dahil iyon lang ang nakakapagpakita ng totoo at nagbibigay iyon ng kasiyahan sa isang tao.

Habang naglalakad ay naramdaman na namin ang init kahit nakapayong naman kami. Pinagpapawisan na kaming dalawa pero lakad parin kami ng lakad.

"Pawis na tayo. May dala kabang panyo diyan?"Tanong niya. Umiling ako sabay pahid ng pawis sa noo at leeg ko.

Nakita ko naman siyang dumukot ng panyo sa bulsa niya at biglang ipinunas sa noo ko sabay baba sa mga mata ko kaya napapikit ako ng wala sa oras at napatigil kami sa paglalakad namin.

"Hindi ka man lang nagsabi na pupunasan mo ako. Mamaya may kasabay pala tayo ditong naglalakad baka nabunggo na tayo dito" Nagmamaktol kong sabi sa kanya at pinalo siya ng mahina sa braso niya pero siya tumawa lang siya sabay punas pa sa mukha ko at baba sa leeg ko. Tumingala naman ako para mapunasan niyang mabuti.

"You have a beautiful neck, maganda iyan kapag may disenyo at kulay" Nakangisi niyang sabi sa akin.

"Anong klaseng disen---" Hindi ko na naipatuloy pa ang sasabihin ko ng bigla niyang hinalikan ang leeg ko. Sa sobrang gulat ko ay napatigil ako at pati na ang paghinga ko. Lumaki ang aking mga mata sa ginawa niya. Akala ko ay simpleng halik lang iyon pero bigla nalang niyang hinawakan ang leeg ko sa likod sabay sipsip sa leeg kong hinalikan niya lang kanina.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa niya pero ang alam ko lang ay gumalaw ang aking mga kamay sa buhok niya sabay sabunot noon at layo sa aking leeg.

"Nakakainis ka! Anong nasa isip mo at ginawa mo iyon? Ang manyak manyak mo talaga kahit kailan" Sabi ko sabay pukpok sa mga braso niya at dibdib.

"Nakakadistract kasi iyang leeg mo kaya iyon ang sumagi sa isip ko. What a beautiful view to design it from" Nakangising sabi niya sabay ngiti pa sakin.

"Pwede ba kapag ito nag-iwan ng kahit katiting na pula. Hinding hindi kita kakausapin" Naiinis kong sabi sabay kuha ng phone ko sa bag. Tinignan ko ang leeg ko sa camera ng phone ko at tama nga ang hinala ko. May pula nga roon at medyo malaki.

Tinitigan ko siya ng masama at siya naman ay nagtaas ng kamay na parang nagsasabi ng surrender. Nagkibit balikat pa siya sa akin sabay talikod. Naiinis akong tumakbo sa kanya sabay talon sa kanyang likuran buti nalang ay nasalo niya ako at nahawakan ang mga hita ko. Kinagat ko agad ang tenga niya sabay sabunot sa buhok niya. Hiyaw siya ng hiyaw sa pangalan ko pero di pa din ako tumigil.

"Ouch, tumigil kana please. Malilate na tayo--ouch"

"Ayoko. Makikita ng maraming estudyante itong ginawa mo sakin at baka mapagtsismisan na naman ako. Bibitawan kita kapag nakapagisip ka ng solusyon dito" Patuloy parin ako sa pagsabunot sa kanya.

May mga tao ng nakakakita sa amin pero binaliwala ko iyon. Kalalaking tao ay hindi mapigilan ang harot kahit sa kalsadang maraming mga tao. Nakakahiya baka kung ano pang kababalaghan ang isipin nila.

"Fine, Let's go to mall para makabili ng concealer at makasuot ka ng jacket" Sabi niya sabay baba sa akin at ayos ng bag ko sa likuran ko na hindi ko namalayang nakababa na pala sa balikat ko.

"Diyan ka magaling kapag natapos na gusto mong gawin ang dali dali mong makahanap ng solusyon tapos makakagawa ka na naman ulit" Naiinis kong sabi sabay batok sa ulo niya at sipa sa legs niya.

"Haha pansensya na hindi ko mapigilan at hindi ko kailanman pipigilan. Mahirap kapag hindi ko nagawa ang isang bagay. Lagi ko itong naiisip at napapanaginipan" Nakangisi niyang sabi sabay bulsa at lakad ulit.

Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon