KABANATA 12

17 2 0
                                    

Nakarating kami sa Aguilar dito sa pangasinan. Nasa highway kami at sobrang ganda ng tanawin. Nakikita ang paakyat na bahagi ng kalsada. Tama nga si mama, walang barrier iyon at prone sa aksidente lalo na mga motor. Kinuha ko ang bag sa likuran at inilabas ang camera ko.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito? Did you google it? Or nakapunta kana dito?" Sunod sunod kong tanong kay Ran.

Mapita aguilar pangasinan hindi masyadong kilala pero magaganda mga tanawin at mahangin. Breathe taking view.

"My friend suggested this place to me. Nagustuhan mo ba?" Tanong niya. Napatingin ako sa harapan namin at kahit andito lang kami ay napakaganda at mahangin. Tumingin ako kay Ran sabay tango.

"I need this kind of place. Masarap huminga at maganda sa pakiramdam. It's a good place for those who suffer from depression, anxiety, and stress." Nakangiti kong sabi sabay tingin sa camera ko.

"Perfect place for them. Pwede rin naman iyong mga taong naguguluhan" Makahulugang sabi niya. Natigilan ako sa pagpindot sa camera ko dahil sa sinabi niya.

"Yeah, they need this place. Baka dito na sila makapagisip at makapagdesisyon" Sabi ko. Nagindian seat akong umupo paharap sa kanya sabay handa sa camera ko at tinutok kay Ran. Seryoso siyang nakatingin sa harapan nang kinuhanan ko siya. Napatingin agad siya sa akin.

"You always took a shot. You capture me, but I can't capture your heart. Mayroon ba akong pag-asa sa puso mo?" Sabi niya habang nakatitig sakin at nakasandal ang ulo sa driver seat.

Napalunok ako. Nakatitig lang ako sa kanya. Iba ang pinaparamdam niya sa akin. His words are different. Kung sa ibang lalaki ay parang wala lang at walang epekto pero kay Ran iba ang hatid sa akin.

Matagal na kaming magkasama. Alam ko sa sarili kong may gusto na ako sa kanya. Hindi ito basta bastang hanga lang kung hindi ay gusto dahil sa ugali at sa pinapakita niya. He's different.

Nakatitig lang kaming dalawa sa isa't isa pero hindi ko alam kung paano at nagawa ko ang isang bagay na kailan man ay hindi ko pa nagawa sa iba. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nakita ko siyang natigilan at nagtatanong sa akin.

"I gave you only a sign---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. He leans forward and slowly moves towards me. He give me a smack on my lips. Napapikit ako sa ginawa niya. He's so gentle and the way he holds my cheeks. It is so soft with care. Hindi na maawat ang damdamin ko sa paghurumentado. Saglit lang nagdikit ang mga labi namin pero parang sobrang tagal noon. Dahan dahan siyang lumayo sa akin habang nakahawak parin ang mga kamay sa pisngi ko. Ayokong imulat ang mga mata ko. I felt my cheeks are burning.

"Hey, open your mouth. Huwag kang magalala, your mouth tastes delicious. I want more" Sabi niya.

Napamulat ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko bigla ang mga labi niya gamit ang isa kong kamay sabay tulak palayo sakin. Narinig ko siyang tumawa. Umusog din ako palayo sa kanya.

"Y-You see, I kissed you only on your cheeks, but you kissed me on my lips. Galawan mo Ran Cordreon" Sabi ko sa kanya.

"Sinulit ko lang baka di na ako makahalik sayo sa susunod" Nakangiti niyang sabi sabay nguso ng labi niya at halik sa hangin.

"Naghahanap kapa ng kasunod. Sa ginawa mo sa tingin mo makakasunod kapa?" Tanong ko sa kanya.

"Meron pang susunod. Kailangang gumalaw" Sabi niya.

"You kissed me without my permission. Sa lips ko pa" Sabi ko sa kanya sabay halukipkip. My first kiss gone.

"I'm sorry, hindi ko napigilan. I'm shocked because you kissed me first on my cheeks. Why my lips? Reecel" Tanong niya. Napanganga ako sa tinanong niya. Lumapit ako at pinalo siya sa braso niya.

"Gusto ko lang namang bigyan ka ng sign pero yung sign na yun sinulit mo pa. You're asking for a chance, binigay ko sayo through kissing your cheeks" Sabi ko sabay ayos ng upo sa harapan.

"I'll take it as a yes, not a sign. Ang mga gwapong katulad ko ay hindi na kailangang bigyan ng sign. We, the boys, deserve assurance, not a sign. Magpapahiwatig kayong girls tapos kapag nafall kami sa inyo. We received ghosting and loneliness again" Sabi niya.

"Kaya nga may sign that I am giving you a sign of chance. Girls like me are uncertain and have doubts kahit matagal na kitang nakakasama. Iba parin kapag pumasok na ang word na relationship. It bring back to zero" Sabi ko.

Totoo naman kasi once a friend became a lover. Magsisimula ulit yung relasyon nila. Bukod sa pinagsamahang pagkakaibigan ay mas makikilala niyo pa lalo ang ugali ng isa't isa kaya nga may mga friend that turn into a lover na hindi rin nagtatagal sa huli.When they split up, as well as their friendship. Siguro 40 percent lang ang nagwowork ang relationship from friend to lover dahil totoo sila sa sarili nila at they truly love each other.

"I know you are a genius, Reecel, but don't estimate our status right now. Why don't you focus on us and avoid that comparing thing?"

"I'm saying the truth kasi mahirap kapag once na may isa ang bumitaw. Masisira lahat ng pinagsamahan at lahat ng mga memories. The worst-case scenario, but it screams the truth." Sabi ko.

"Takot kang baka hindi tatagal kung magiging tayo. Let me say something, all those girls who flirt with me. They didn't matter because my heart was tangled up with yours. You trust me, but please trust me deeply." Sabi niya sabay hawak ng mga kamay ko. Hinimas niya iyon ng dahan dahan habang nakatitig sa mga mata ko.  He throw the doubt feeling that I've felt.

"You just showed me awhile ago your flirty moves. The moves that I couldn't trust the most" Sabi ko.

"Don't worry, magdadahan dahan ako at kailangan kong humingi ng permiso mo para makaulit ulit" Nakangiti niyang sabi. Inilayo ko agad ang mga kamay kong hawak niya.

"Baka gusto mong isumbong kita kay tita. Another level na naman ang kaharutan mo Ran" Sabi ko. Tumawa siya sa sinabi ko.

"Wala pa sa level na iyon ang pinapakita kong kaharutan ko. You want to see and want for more?" Tanong niya. I rolled my eyes dahil hindi ko na naman mapigilan ang mga lumalabas diyan sa bibig niya.

"Saan pa tayo pupunta after nito?" Pag-iiba ko ng topic.

"Kumain muna tayo. Humanap tayo ng mapagkakainan dito" Sabi niya sabay paandar ng sasakyan. Pinindot ko ang music playlist ng sasakyan. Puro old song at mga kapanahunan ni papa kaya in-open ko nalang bluetooth at naki-connect nalang. Pumili ako ng kanta at napangiti ako nang makita ang song. Queen by Loren Grey. Sinabayan ko ang unang lyrics niya.

Umayos ako ng upo at humarap kay Ran na kasalukuyang nagmamaneho.

"Cross my heart and hope to die
I don't need another guy
To fight my battles
To overshadow me
Don't you know I'm dangerous?
Fire burning in my blood
I got this handled
I don't need rescuing"

Habang kumakanta ako ay tinuturo turo ko siya kaya napapatingin siya sa akin habang nagmamaneho. Napapangiti siya kapag tinuturo ko siya.

"You don't need anyone but me, your majesty" Sabi niya sabay kuha ng isang kamay ko at dinala niya iyon sa mga labi niya at hinalikan ang kamay ko. Natigilan ako sa ginawa niya. Kumalabog ang dibdib ko sa biglaan niyang ginawa. Pagkatapos niyang halikan ang kamay ko ay hinawakan niya iyon.

Kahit natulala sa nangyari ay nagawa ko parin siyang tanungin.
"Wait, you know the song?" Tanong ko sa kanya. Dahil wala pa iyon sa chorus kanina bago niya binanggit.

Tumango siya sakin habang nasa kalsada na ang mga mata niya. Magkahawak kamay parin kami kaya tumingin ako sa labas ng bintana. I smiled secretly because this was my first time holding the hand of a man. Malambot ang mga kamay niya at may ingat ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

My playlist continues to play and the rest of our trip is filled with peace and music. Ran, please don't break my heart. You're the only one I gave a sign and  you're the first one who kissed my lips too.










Reflection Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon