Nakarating na kami sa bahay namin at ayaw umalis ni Ran dahil gusto niya daw makausap sila mama at papa. Tumawag kasi sila sa akin kanina at hinahanap ako. Dumating sila ng maaga sa bahay at pagod pero kahit papaano ay tumawag sila ng mahinahon at hindi sila galit. Tinanong nila kung sino kasama ko at nang sinabi kong si Ran ay binago ang topic. Hindi pa kasi namemeet nila mama at papa si Ran.
"Ran, okay lang kahit hindi kana pumasok. Pagod sila mama at papa baka nagpapahinga na sila" Pagtataboy ko sa kanya. Umiling siya at naglakad ulit pero pinigilan ko siya.
"Basta kakausapin ko sila Reecel. Kinuha kita kanina dapat matuto akong ibalik ka kaya kailangan ko silang kausapin. Let's go inside" Sabi niya sabay hila na sa akin papasok ng bahay.
Pumasok kami at nakita ko sila mama at papa na magkatabi sa sala. Kitang kita ang sweetness nilang dalawa at halatang kahit pagod ay mayroon paring time para sa isa't isa. Napalingon si papa sa amin at agad siyang tumayo kasabay na noon si mama. Nakangiti si mama sa amin.
Lumapit ako sa kanila at nagmano ako. Niyakap ako ni mama ng sobrang higpit samantalang si papa ay tinapik lang ang ulo ko. Tumingin si papa kay Ran, sinamantala ni Ran iyon para magmano kila mama at papa.
"Goodevening po tita at tito, pasensya na po kung isinama ko po si Reecel sa beach kanina ng wala pong paalam po sa inyo. Ako nga po pala si Ran Cordreon po, kaibigan po ako ni Reecel at classmate din po" Magalang na sabi ni Ran sa parents ko. Nakita kong tumaas ng kilay ni papa at tinignang mabuti si Ran.
"Ikaw ba ang anak ni Randy Cordreon?" Tanong ni papa kay Ran. Tumango si Ran kay papa.
"Opo, ako nga po"
"Kaya pala may pinagmanahan. Classmate kami ng papa mo at naging magkaibigan kami since junior high pero ngayong may kanya kanya na kaming anak. Wala na kaming naging komunikasyon. Buti nalang at kaibigan ka ng anak ko, what a small world nga naman" Nakangiting sabi ni papa kay Ran at lumapit siya sabay tapik sa balikat ni Ran. Iginaya ni papa si Ran na umupo at naupo naman siya.
"Kamusta na si Randy ngayon? Ilan kayong magkakapatid hijo?" Tanong ni papa. Naupo na kami ni mama at magkatabi kami. Hindi niya mabitawan ang kamay ko sa pagkakahawak siguro dahil namiss niya ako. Mahigit anim na buwan siguro sila naging busy at nawala dito sa bahay.
"Okay lang si papa tito. Nasa ibang bansa po nagaasikaso ng business po nila mama" Nakangiting sabi ni Ran.
Tumango si papa at marami pa silang tinatanong kay Ran. Sagot naman ng sagot si Ran. Samantalang, inutusan ako ni mama na magpalit na at si mama na daw ang bahala sa dinner namin. Tumango ako kaya tumayo na ako at tumingin sa banda nila Ran. Napatingin din siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at naglakad na sa hagdan.
Nagshower ako saglit dahil inaantok na ako dahil na rin sa pagod. Nakakapagod din pala kahit ang ginawa lang namin ay tumingin tingin sa ganda ng dagat. Nagsuot ako ng short na itim at grey na t-shirt. Tumambay muna ako sa kwarto ko ng ilang saglit at lumabas na rin.
Pagkababa ko ay agad napatingin sa akin si Ran. Nakatitig lang siya sa akin at seryoso akong tinignan. Bumaba pa ang mga mata niya sa legs ko kaya napatingin din ako. Walang emosyon ang mukha niya. Napatingin ako kay papa na nakangiti sa akin sabay balik ng tingin kay Ran. Umiwas nalang ako ng tingin at pumasok sa kusina. Hindi ko alam kung anong emosyon ang ipinakita ni Ran sa akin. Para kasi siyang galit o sadyang ganoon lang siya tumingin.
"Darling, paano kayo nagkakilala ni Ran? Siya ang unang kaibigan na ipinakilala mo sa amin ni papa mo. Buti naman at may kaibigan ka" Nakangiting sabi ni mama.
Simula elementary hanggang junior ay wala akong isinama o ipinakilala sa parents ko. Hindi ko alam pero noon kasi ang gusto ko nalang ay uwi pagkatapos ng school. Hindi ako mahilig gumala at hindi ako masyadong nakikihalubilo.
BINABASA MO ANG
Reflection Of Us
Romance"This is only a sample test on your punishment. There's more maybe later" - Ran Cordreon Started: August 15, 2021 Ended: October 04, 2021