Today is the day. It's monday morning at aligaga ang mama ko dahil mamayang gabi ang prom namin. Nakatulog ako kagabi kahit na late na naman kaming nakauwi ni Ran. Basta kapag kasama ko siya never kaming nakauwi ng maaga."Mama, can we eat our breakfast first? Huwag ninyo pong alalahanin ang prom ball ko mamaya. Ako na po ang bahala sa sarili ko" Sabi ko.
Nakahanda na kasi ang breakfast namin pero may kausap si mama na make up artist na kilala nila kaya hindi ako makakain. Si papa naman ay nasa business meeting at mamaya pa uuwi.
"I'm sorry baby. Last na prom muna kasi kaya dapat paghandaan ko at gusto kong ikaw ang pinakamagandang babae sa school niyo" Nakangiting sabi ni mama sakin. Hinawi pa nila ang buhok kong sumayad sa mukha ko.
"Mama, I don't want you to be tired kasi diba you have a date with papa later. Dapat po kayo ang kailangang magbeauty rest. Dapat iyon ang paghandaan ninyo" Nakangiti kong sabi kay mama.
Hinawi naman ni mama ang buhok. She always does that and she is really beautiful. That's why my papa is under.
"Mamaya na ako basta ikaw uunahin ko. Alam ko naman ang papa mo basta ngitian ko lang siya maglalambot na iyon. Kaya dapat ikaw kung may nararamdaman kana kay Ran. Just confess your feelings and I know you will be happy" Nakangiting sabi sakin ni mama.
Napangiti ako nang mapait. Siguro sasabihin ko kay mama after ng prom ball namin. She deserves to know everything and she doesn't want me to feel the pain.
"Mama, what if po gusto ko pong mag-aral sa ibang bansa po for college?" Tanong ko kay mama.
Mas lalong napangiti si mama at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng misa.
"Darling, alam mong ikaw lang ang hinihintay namin ni papa mo para sumama samin sa ibang bansa. We respect your decision, and have you made your decision yet? papa and I want the three of us to be settled in the United States" Sabi ni mama.
Ako lang talaga ang hinihintay nila para doon na kami mamalagi at doon na kami magsisimula ulit ng buhay. Ayokong umalis dito sa banda dahil alam kong back to zero ang cycle ng buhay ulit sa ibang bansa.
Umiling ako kay mama. Tumango agad sila. "H-Hindi pa po ako nakadecide mama. I will tell you po kapag nagbago po ang isip ko po. Let's eat na po" Nakangiti kong sabi.
Nagsimula na kaming kumain at laging may ulam sa aking pinggan. Lagay ng lagay si mama doon dahil gusto niya akong tumaba. Napailing nalang ako sa isip ko dahil ayoko talagang tumaba at ayokong may mabago ako sa parte ng katawan ko dahil mahirap na ulit iyong ibalik.
Nasa kwarto ako ngayon at nakatayo sa tabi ng bintana na malapit sa terrace sa labas. Mamaya na idedeliver iyong gown ko at mamaya narin darating ang make up artist ko.
Masaya ang prom pero ngayon parang hindi ko maramdaman. Ibang prom ang mararanansan ko. Napangiti ako nang mapait. Things would go in a right way. I think I need to giveway in order to do the right things.
Nagonline ako para makita kung may message doon kay ma'am. At tama ako meron nga.
Ma'am: Anak, pwede kabang kumanta mamaya? After ng sayaw ninyo
Zylin Reecel: Sige po ma'am kakanta po ako mamaya po
Ma'am: Naku nak thank you. Short kasi mga programs natin kaya kailangang dagdagan pa.
Zylin Reecel: Wala pong problema ma'am
Marunong akong kumanta at nakapagkanta narin ako sa mga event programs dito sa school. Hindi ko alam kung ano ang kakantahin ko. Gusto ko sanang magpahinga pero kailangan kong magpractice para mamaya.
BINABASA MO ANG
Reflection Of Us
Romance"This is only a sample test on your punishment. There's more maybe later" - Ran Cordreon Started: August 15, 2021 Ended: October 04, 2021