Chapter 3

24 3 0
                                    


'Utang'

"Sa tingin mo, type ka ni senyorito Primo?" Tanong sa akin ni Isang pagkababa namin sa trycicle.

Agad akong natigilan sa paglalakad at bumaling sa kaniya. Nagtaas siya ng kilay at parang napapaisip na humawak sa baba.

"Kanina ko pa iniisip ito eh, bakit ka naman niya bibilhan ng gamit?" malisyosong turan niya at mas lumapit pa sa akin.

"Siguro mabait lang talaga siya." Sagot ko sa kaniya.

Hindi ko rin mapigilang mapatanong sa isip ko kung bakit gannon na lang ang akto ni Primo. Iniiwasan ko lang ang isiping iyon kasi parang napaka-imposible naman.

"Hindi naman iyon imposible, walang girlfriend si senyorito Primo ngayon at ang ganda ganda mo! Kaya paano nga kung gusto ka nga ni senyorito Primo?" Impit na tumili si Isang at kilig na kilig sa mga sinasabi niya.

"Hay naku Isang hindi pwede noh!" Saad ko pagpasok namin sa loob ng mall.

Sinamahan ko lang naman si Isang dahil wala talaga akong planong bumili dito.

"Bakit naman? May boyfriend ka na ba?" Tanong niya sa akin na mabilis kong inilingan.

"Eh bakit hindi puwede?" Tanong niya ulit.

Inikot ko ang mga mata ko sa kaniya dahil ang kulit-kulit niya. "Wala sa plano ko ang paghahanap ng boyfriend hanggang hindi pa ako nakakapagtapos at nagtratrabaho."

"Talaga? Ayaw mo noon ang yaman kaya nila senyorito Primo. Malay mo matulungan ka pa niyang makaahon sa kahirapan."

Tumigil ako at seryosong bumaling kay Isang.

"Isang, kung may mag-aahon man sa akin sa kahirapan, ako yun. Hindi ko iaasa sa lalake ang pag kontrol sa buhay ko dahil lang may utang na loob ako sa kaniya."

Itinaas ni Isang ang dalawang palad niya at natawa. "Okay, okay sabi mo eh."

Mabuti na lang talaga at iniba na ni Isang ang usapan nang mapansin niya na seryoso ako. Halos pagwi window shopping lang naman ang ginawa namin ni Isang. Sa tuwing may makikita kasi siya na gusto niyang bilhin ay parang napapasong bibitawan niya rin ito kapag nakita ang presyo.

"Grabe! Ang hirap talagang maging mahirap." Bulong ni Isang nang makita niya na higit isang libo ang black shoes nan aka display sa isang shop.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Totoo naman kasing mahirap maging mahirap. Aayain ko na nga sana siyang lumabas dahil parang nakakaabala lang kami sa saleslady. Lumapit ako sa kaniya at napakunot noo nang makita ko siyang nakasilip sa labas.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Mukha ngang hindi ikaw ang type ni senyorito Primo. Iyon siya oh." Turo niya sa labas.

Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya at doon ko nga nakita si Primo kasama ang magandang babaeng kasama niya rin sa school noong nag-enroll ako. Palabas na sila sa restaurant at nag-uusap. Tumatawa ang babae at nakangiti naman si Primo.

"Sino yung kasama niya? Girlfriend?" Hindi ko maiwasang itanong.

"Si Beatrice, hindi ako sure kung girlfriend na siya ni senyorito Primo. Pero ang alam ko matagal na siyang nililigawan ni senyorito Primo. Mula junior high siya lang ang liniligawan ni senyorito Primo kaso hindi niya pa rin sinasagot hanggang ngayon." Kuwento ni Isang.

Maganda talaga ang babae, maamo ang mukha at mukhang elegante. Bumaba ang tingin ko sa designer bag niya na may tatak ng mamahaling brand. Sa postura palang ay mapaghahalata na, na mayaman talaga siya.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon