Chapter 29

10 1 0
                                    

'Pride'


Binilang ko ang tatlong daang pisong nasa kamay bago nag-angat ng tingin kay Jay at pilit nangumiti. Ilang beses na akong humihiram ng pera sa kaniya ngayong buwan kaya nahihiya na rin talaga ako.

"Thank you, Jay. Ibabalik ko din talaga agad sa iyo bukas. Hindi pa kasi ako sumesweldo kaya..."

"Ano ka ba Tianna, ayos lang. Kahit bayaran mo na lang ako kapag kaya mo na." Nakangiting aniya at tinapik ang balikat ko.

Alam ko na kapag nalaman ni Primo ang tungkol sa paghiram ko ng pera kay Jay ngayon sigurado na mag-aaway na naman kami.

Wala na talaga kasi akong choice dahil may kailangan kaming bayaran para sa isang lab exercise. Nabitin din kasi ang hinahawakan kong pera kahit na may ipinadalang kaunting allowance sa akin sila nanay.

Mas lumalala ang mga away namin ni Primo nitong nakaraan.

Madalas na ako lang ang dahilan kung bakit kami nagtatalo. Alam ko naman na nag-aalala lang siya para sa akin, pero ayokong umasa sa kaniya.

Gusto kong patunayan na kaya ko ngang mag-isa. Pero kung lagi siyang nandiyan at gustong makialam sa mga desisyon ko pakiramdam ko parang inaasa ko na lang sa kaniya ang lahat.

Last week lang nagtalo na naman kami dahil sa pagpapahiram niya sa akin ng pera. Nalaman ko kasi na ang pinapadalang mga pera pala nila nanay sa akin ay galing din lahat sa kaniya.

Hindi niya ako kina-usap ng ilang araw ng sapilitan kong ibinalik sa kaniya ang pera. Sumusuko na ako sa pagpapaliwanag sa kaniya ng dahilan kung bakit ayokong tanggapin ang pera niya.

"Tianna nasa tabi na ng basket mo yung mga labada ko, eto pala yung bayad ko." Ani ate Cecil, isa sa roommate ko na call center agent na.

"Sige ate, ako na ang bahala." Maagap na sagot ko ng matanggap ko ang two hundred pesos na bayad niya.

"O siya, matutulog na ako, pakilagay na lang sa tabi ng higaan ko kapag tapos ka na." aniya bago siya tuluyang umakyat sa itaas.

Ako naman ay lumabas na sa laundry area at sinimulan na ang paglalaba. Wala kaming washing machine kaya mano-mano ang paglalaba. Noong wala pa ako, talagang nagpapalaundry sila ate Cecil dahil wala na nga daw silang time sa paglalaba dahil sa trabaho nila.

Siniguro ko na maayos ang trabaho ko, ilang oras din bago ako natapos dahil medyo marami ang mga damit ni ate cecil. Karamihan pa ay mga maong kaya ganoon na lang ang paghihirap ko sa pagpiga at pagkusot sa mga iyon.

Lumabas ako sa bakuran kung nasaan ang mga sampayan namin. Tirik na tirik ang araw, saktong-sakto para matuyo rin kaagad ang mga nilabhan ko.

Habang abala ako sa pagsasampay napansin ko ang pagtigil ng isang sasakyan sa bandang gate. Hindi ko nga sana papansinin iyon dahil nagmamadali ako kung hindi ko lang namukhaan ang sasakyan. Tumigil ako sandali sa ginagawa at pinanood siyang bumaba mula sa sasakyan.

Dahil kilala na siya ng landlord, ipinapasok na lamang niya ang sasakyan niya sa loob matapos silang mag-usap sandali. Itinuro ng landlord kung nasaan ako, hindi rin nagtagal nahanap niya ako.

Ilang linggo na ba nang huli kaming magkita?

Ngayong nasa harapan ko siya pakiramdam ko napakatagal na panahon na kaming hindi nagkita.

He stared at me. He looked at my body and then back to my face. I saw worry and pain cross his eyes for a moment, while I only smiled at him weakly.

I am aware of the changes in my body ever since I lived here in manila. Hindi na ako madalas kumain dahil sa pagtitipid, madalas pagod ako at kahit puyat at gustong magpahinga pagkatapos ng mahabang araw mula sa pagtratrabaho at pag-aaral, kailangan ko parin munang mag-aral bago magpahinga para mamentain ang scholarship ko.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon