Part 24

3 1 0
                                    

'Talo'


Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Minsan napapaisip ako na baka ilusyon lang na binuo ng isip ko ang mga nangyari sa mga nagdaang araw.

Parang ngayon na lamang, naka-upo ako sa library para mag-aral. Pagkatapos ko sa librong hawak ay dahan-dahan ko itong isinara para hindi makagambala sa iba pa na nag-aaral din, tulad ng nakaupo sa harapan ko ngayon na abalang-abala sa sinusulat niya.

Sobrang tahimik niya, hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kaniya lalo pa at may suot siya ngayon na salamin, gumagamit kasi siya ng laptop para magresearch at sa kabila naman ang libro na pinagkukumpara niya pa yata para masigurong tama ang mga detalyeng nakukuha niya.

Ito yata ang unang pagkakataon na makikita ko siyang ganito ang ayos, kahit kasi noong tinuruan niya ako noon ay hindi naman siya nag-suot ng salamin ni minsan. Inaamin ko na para bang mas naging guwapo pa siya dahil sa salamin niya ngayon.

Rinig ko ang bawat ingay na ginagawa ng ballpen niya sa tuwing magsusulat siya, pati na rin ang lutong ng pahina ng libro sa tuwing ililipat niya ang pahina niyon. Napangiti na lang ako sa sarili, bakit halos lahat na lang yata ng ginagawa niya ay napapansin ko.

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikabahala o ano.

Kanina lang ay tinuruan niya ako tungkol sa subject naming na hindi ko maintindihan kaya naman nirereview ko na lang iyon ngayon habang inaasikaso niya ang sa kaniya. Medyo hindi na ako nahihiya sa tuwing binbigyan niya ako ng pabor, siguro dahil may label na kaming dalawa at alam ko na may pananagutan na kami ngayon sa isat'-isa.

Ibinaba ko ang librong hawak at nagpangalumbaba habang pinagpipiyesta ang mga mata ko sa guwapo kong boyfriend.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangisi at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa naiisip. Pero hindi naman talaga ako mali, guwapong-guwapo talaga si Primo, at boyfriend ko siya.

Hinayaan kong maglandas ang paningin ko mula sa kaniyang makapal na kilay na naka-kunot at seryosong seryoso, patungo sa matayog na at magandang ilong kung saan nakaipit ang salamin na para bang pinagkakait na makita agad ang maganda niyang mga mata pababa sa mapula niyang labi na mahiming kumikibot sa tuwing nagbabasa siya para sa sarili.

Siguro naramdaman niya ang paninitig ko sa kaniya kaya naman bahagya siyang tumingin sa banda ko. Nang makita niya nga na nakatingin ako sa kaniya, agad niyang itinigil ang ginagawa at ibinaba ang salamin na suot.

"Bakit?" banayad at pabulong na tanong niya sa akin, dahil din siguro nasa library kami ngayon.

Bahagya akong nadismaya dahil ibinaba niya iyon, sinundan ko ito ng tingin nang ibinaba niya iyon sa tabi ng kamay niya.

"Wala naman, ituloy mo lang ang pag-aaral." Sabi ko na lang, alam ko na kung sasabihin ko kung bakit ako nakatitig sa kaniya ay mas lalo lang lalaki ang ulo ng lokong ito.

"Well now miss, I can't focus when I can feel you fantasizing all over me." Pabulong na sabi niya, sapat lang para marinig ko siya.

Pakiramdam ko halos umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niya, tama naman siya, pero siyempre hindi ko aaminin sa mukha niya. Inirapan ko siya.

"Bahala ka diyan!" Pabulong pero may diin na sumbat ko.

Kita ko ang panginginig ng balikat niya dahil sa pagtawa. Halos batuhin ko pa siya ng ballpen ko dahil parang hindi na yata siya titigil, kung ganito siya ay baka palabasin kami sa library ng wala sa oras.

Hindi pa nga siya tumigil, lumipat siya sa upuan na katabi ko dala ang mga gamit niya. Nag-angat ako ng tingin nang makalapit siya sa akin. Malawak ang ngisi niya nang maupo siya sa tabi ko.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon