Chapter 30

11 1 0
                                    

'Nakalimutan'

"Sobrang proud kami sayo anak!"

Agad na gumuhit sa labi ko ang isang matamis na ngiti nang marinig ko iyong sabihin ng naluluhang si tatay.

Araw ng pagtatapos ko ngayon at hindi matumbasan ang sayang nararamdaman ko, dahil sa wakas ay hawak ko na ang diploma ko.

Naiiyak akong tumakbo palapit sa kanila at mahigpit silang niyakap. Nasa tabi naman ni tatay si Marcus na inaalalayan siya.

Nang dahil sa pagw'working student ko nagawang suportahan nila nanay ang pagpapa-therapy ni tatay isang taon makalipas noon ay nagawa rin ni tatay na makaalis sa wheelchair, hindi man naging diretso pa ang lakad niya kahit papaano ay nakakayanan na niyang maglakad mag-isa sa tulong ng tungkod.

Nagkaroon ng pagkakataon si tatay na magkaroon ng maliit na pwesto sa bayan, na ginawa nilang maliit na carenderia galing sa perang hiniram nila sa isang kakilala. Hindi ko man nakilala ang taong iyon dahil nang tanungin ko kung sino ito para makapagpasalamat sana ay iniiba naman nila ang usapan.

Nagdududa man ako at pakiramdam ko alam ko nan ga kung sino ito. Pero hindi naman siguro siya, dahil paniguradong galit parin iyon sa akin hanggang ngayon.

Saglit na dumaan sa isipan ko ang isang eksenang hindi ko yata malilimutan kahit ilang taon na ang nakalipas.

Malakas ang ulan nang araw na iyon. Rinig na rinig ang marahas na pagpatak ng ulan mula sa mga bubong at ang kulog at kidlat na dala rin nito. Nasuspende ang mga klase dahil sa isang bagyo. Hindi ko rin alam kung paano ko natiis na hindi siya labasin.

"Kawawa naman si pogi, girl puntahan mo na." Rinig kong sambit ng isa sa kasama ko sa dorm.

Hindi ako umimik at nanatali lang sa paghiga. Para akong pinapatay, hindi ako makahinga sa sakit ng puso ko, pero alam ko na ito ang kailangan kong gawin. Sinabi ng mga kasama ko sa dorm na halos magdamag siyang nag-antay sa akin, habang basa-basa.

Hindi iyon ang huling beses na sinubukan niya akong kausapin ulit, pero hindi ko na ulit siya hinarap pa o kina-usap man lang. Dahil wala rin naman akong mukhang mai-haharap sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano ako nakaraos sa lahat ng hirap na naranasan ko. Nang maghiwalay kami, nilunod ko ang sarili ko sa pag-aaral at pagta-trabaho. Dahil sa tuwing tahimik at nag-iisa ako, siya ang iniisip ko. Dahilan kung bakit hindi na rin ako nagkaroon pa ng boyfriend maliban sa kaniya.

May iilan na sumubok manligaw, pero sa tuwing lumalapit sila, naalala ko siya. Wala akong maramdaman para sa iba. Bukod sa natatakot ako na baka makasakit lang ako ng iba katulad ng ginawa ko sa kaniya, alam ko rin na hindi yata siya mapapantayan ng nino man para sa akin.

Ayokong umasa, pero siguro nga mayroon parin sa parte ko na nagbabakasakali pa kahit na alam ko na imposible na mangyari iyon.

Kahit na hindi ko naman gusto, nababalitaan ko kay Isang na may mga naging girlfriend daw siya sa nagdaang mga taon.

Marami.

Alam ko naman na hindi imposible. Alam ko na kapag nalaman ng ibang mga babae na single siya ay pag-uunahan talaga siya. Ayoko sanang isipin na parang nagbago siya matapos kaming maghiwalay, hanggang sa makita ko sa sarili kong mga mata.

Totoo iyon. Naalala ko pa nang huli ko siyang makita. Bakasyon matapos ang pinning and capping ko ng third year nang umuwi ako sa De Venecia.

Nasa loob ako ng convenient store para bumili ng tubig, kakagaling ko lang sa biyahe at nagdesisyon munang dumaan dito bago tumuloy sa pag-uwi. Nagbabayad na ako sa cashier nang marinig ko ang pagtunog ng bell sa pintuan ng convenient store.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon