Chapter 11

22 3 1
                                    

'Sana nga'

Naupo ako sa pinakadulo ng picnic mat sa tabi ni Harley. Nagkukuwentuhan sila tungkol sa kung ano samantalang lumilipad pa ang isip ko tungkol sa nangyari kanina.

Ayoko namang maging awkward kami ni Primo sa isa't-isa pero siya na mismo ang umiiwas para sa girlfriend niya kaya gagawin ko din ang parte ko. Simula ngayon ay hindi ko na siya lalapitan at kakausapin kung hindi naman kailangan.

"Buti na lang natapos din tayo ng maaga." Ani Harley matapos akong abutan ng cup cake.

"Oo nga eh, buti na lang. May trabaho pa kasi ako mamaya." Sagot ko naman.

Ngumiti si Harley habang nakatingin sa akin. "Alam mo Tianna sobrang attractive mo, matalino, maganda, mabait at masipag! Ang swerte ng magiging boyfriend mo..."

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Harley. Hindi naman araw-araw ay nakakatanggap ako ng papuri. "Binobola mo naman ako eh, pero salamat."

Pagkasabi ko noon ay bigla na lamang may braso na humarang sa pagitan namin ni Harley. Agad na umatake sa ilong ko ang pamilyar na bango na kani kanina ko lamang naamoy. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Primo na madilim ang tingin sa cup cake na inaabot niya.

Animo'y pikon na pikon dahil nakakasagabal kami sa ginagawa niya. Nakaharap sa akin ang katawan niya at nakatalikod siya kay Harley kaya naman kitang kita ko ang ekspresyon niya.

Sandali kaming nagkatinginan ni Harley, malamang ay nabigla din siya sa biglaang pag-sulpot ni Primo sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.

Mabilis na lumipat ang mga mata ni Primo sa akin.

Hindi ko inaasahan iyon at kitang-kita ko na seryoso ang tingin niya sa akin kaya naman mabilis pa sa alas quatro akong nag-iwas ng tingin at umatras ng kaunti mula sa kaniya. Narinig ko ang pagsinghal niya dahil sa ginawa ko.

Ano ba ang problema niya? Tsaka di ba siya marunong mag-excuse at bigla bigla na lamang siyang sumuslpot?

Nang matapos siya sa pagkuha ay natigilan ulit ako sa pag-inom ng juice nang umupo siya sa bakanteng space sa kaliwa ko. Ang akala ko kasi ay babalik na siya sa mga kaibigan niya. Nakakapagtaka pa dahil kani-kanina lang ay kung todo ang pag-iwas niya sa akin.

Hindi tuloy ako makasagot ng maayos sa pinag-uusapan namin ni Harley dahil ramdam ko ang mabigat na titig ng nasa kaliwa ko.

"Uh... pupunta ka ba sa festival night?" Tanong ni Harley.

May celebration pa nga pala sa gabi pagkatapos ng mga event sa umaga. Hindi pa ako nakakapagpaalam pero sa tingin ko naman ay papayagan naman ako nila lola.

"Magpapaalam pa siguro--"

"Paabot ng juice." Mababa at halos pabulong na sabi ni Primo.

Halos magtaasan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa lapit niya sa akin nang sinabi niya iyon! Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Alam ko naman na ako ang pinagsasabihan niya dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.

Nakakainis ang ngising nakaplaster sa mukha niya habang tinititigan ang pikon kong mukha. Bakit pakiramdam ko pinuputol niya ang usapan namin ni Harley.

Padabog akong nagsalin ng juice at inabot sa kaniya. Ngumisi siya at tinanggap na iyon.

"Thank's." Tila nanunuya niyang sabi.

Tinalikuran ko na siyang muli at bumaling na sa kinakausap kong si Harley.

"Hindi pa ako sigurado kasi magpapaalam pa ako." Sagot ko kay Harley na kanina pa naghihintay sa akin.

"Ah, ganoon ba?" nagkamot sa batok si Harley bago siya muling nagsalita. "May performance kasi ako sa festival night. Uh, kakanta ako. Sana makapunta ka..."

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon