Chapter 32

10 0 0
                                    

'Hope'

I closed my eyes as I splashed the cold water on my face. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, namumugto ang aking mga mata at namumula ang aking ilong dahil sa pag-iyak ko.

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko gamit ang tissue at lumabas na sa cr lalo na nang mapansin ko na marami ng taong pumapasok.

Suwerte na rin siguro at umaayon sa akin ang timing dahil tapos na rin niyan ang duty ko. Hindi rin ako sigurado sa sarili kung kaya ko pa bang humarap sa mga pasyente. Parang bigla yatang sumama ang pakiramdam ko.

Tahimik akong nagligpit ng gamit at nagpaalam na sa mga katrabaho. Ang bigat ng loob ko ay hindi ko maikakaila.

I lift my head and saw my reflection in the elevator door. I sighed when I saw how I look so miserable.

Wala sa sarili akong naglalakad hanggang sa makarating na ako sa entrance ng hospital.

Nakatayo lamang ako doon habang tinitignan ang madilim na langit. Ang mga ilaw lang sa daan at ilang mga establisimiyento ang nagsisilbing liwanag sa gabing ito.

Madalas na dito naman ako naghihintay ng masasakyan pero sa gabing ito parang gusto kong maglakad muna bago umuwi.

Natigil ako kaagad sa paghakbang nang biglang tumigil sa harapan ko ang isang magarang sasakyan. Kumunot ang noo ko sa pagtataka lalo na at sa tapat ko mismo ito tumigil.

Kaagad na nag-iba ang ekspresyon ko nang ibaba ng nasa loob ang bintana. Mula sa backseat sumungaw ang ulo ng babae kanina.

Malawak ang ngiti niya at parang kumikinang pa ang mga mata.

Sinubukan kong ngumiti kahit na pakiramdam ko may kung anong tumatapak sa puso ko kapag nakikita ko ang mukha niya.

"Hi nurse Tianna! Sumabay ka na sa amin!" she said so excitedly.

"Hindi na po ma'am!" I immediately refused.

Nakapagtataka, hindi ba ako nakuwento man lang ni Primo sa kaniya?

Bakig nga naman niya ako ikukuwento sa kaniya hindi ba? Eh isa lang naman akong ex na may malalang inferiority complex kaya naging toxic ang relasyon naming dalawa.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kung nasaan ang drivers seat kahit na tinted naman ang mga salamin ng sasakyan. Alam ko kasi na naroon si Primo.

"Nurse malapit ng umulan oh halika na!" pamimilit niya pa.

Kasabay noon ay ang pagliwanag ng langit kasabay ng isang malakas na kulog. Napatalon ako sa lakas nito.

"See? Come, malapit lang ang bahay namin sa inyo."

"Hindi na po talaga."

Kahit makidlatan pa ako rito hindi ako sasakay! Mamatay lang ako sa self pity at pagsisi sa oras na sumakay ako sa sasakyan na iyan.

"She already refused twice ate, bakit ba namimilit ka ng tao?" kahit hindi ko nakikita ay rinig na rinig ang iritasyon sa boses niya.

"Suprimo! Why are you so rude?!" giit ni Miss Lavinya.

Hindi ko pa napproseso dahil sa gulat ko nang marinig ko ang boses niya nang ibinaba niya ang binatana niya at kitang kita ko ang mukha niya dahil nakatayo ako sa tapat ng bintana ng drivers seat.

The light in front of the hospital was not that bright but it was enough for me to see his face clearly.

At this angle I could literally see every feature of his face. With the dim light of the street lights I tried to feast on his beautiful but pissed face.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon