Chapter 19

9 2 0
                                    

'Fall'

He walked the room while still looking at me. Para bang kapag inalis niya ang tingin niya sa akin ay pwede akong mawala. Lumipat ang tingin niya kay Harley na katabi ko ngayon at kitang-kita ko kung paano umigting ang panga niya kasabay pa ng pag-irap niya.

"Akala ko hindi ka pupunta?" Tanong ni Joanne kay Primo.

"Mabilis namang natapos ang lakad ko kanina kaya," Mabilis siyang sumulyap sa banda ko at nang nakitang nakatingin ako sa kaniya ay kaagad ding nag-iwas ng tingin. "Naisipan kong dumaan na."

"Perfect timing, someone can teach us sa physics." Tuwang-tuwang sabi pa ni Amelia.

"Tama! Manok lang kay Primo ang Physics tsaka Calculus." Sangayon ni Harley.

Ngumisi lamang si Primo sa mga pamumuri sa kaniya at mayabang na bumaling sa banda ko, parang hinihintay kung anong reaksiyon ko. Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy na sa pagbabasa ng itinatanong sa akin ni Harley.

"Ang molecular genetics ay sub field ng biology which addresses yung pagkakaiba ng structures o kaya naman ay ang mga expressions ng mga DNA molecules na nasa isang organism." Paliwanag ko kay Harley at ipinakita sa kaniya ang isang illustration na nasa libro.

Umusog pa s abanda ko si Harley para makita niya ng mabuti ang itinuturo kaya naman halos nagdidikit na ang mga braso namin. May kung sinong malakas at paulit-ulit na tumitikhim dahilan kung bakit naagaw ang atensiyon namin.

"Primo, do you need some water?" Tanong ni Amelia.

"No." Maiksing sagot ni Primo.

"I'm fine."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang nitu-tutor niya si Joanne para sa Calculus. Umismid ako nang makita ko na humawak pa sa balikat niya Joanne habang may ineexplain siyang formula. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis at lalo pa akong naiinis sa sarili dahil alam ko naman na hindi dapat ako mainis.

I sighed. Hindi na nakakatuwa.

"Uy, kaya mo pa?" Pabirong tanong ni Harley at saka ako inakbayan.

Ngumiti ako at bumuntong hininga. "Oo, kaya pa naman." Sagot ko na lamang bago ako nagpaalam na pupunta muna sa comfort room.

Palabas na ako sa silid nang marinig ko din ang pag-papaalam ni Primo.

"I think I'm gonna get some water." Sabi niya na hindi ko na lamang pinansin pa.

Madadaanan ang isang maliit na mini bar at lounge kung pupuntahan ang pinakamalapit na rest room sa library. May fridge doon at ilan pang mga packed snacks na accessible ng kung sino mang gumagamit sa study at library.

Narinig ko ang pagbukas muli ng pintuan nang makalabas na ako. Hindi ko alam kung bakit ang talas yata ng pandinig ko at kahit ang lagutok ng sapatos niya sa marmol na sahig rinig na rinig ko.

Hindi na rin ako nagulat pa nang maabutan niya ako sa paglalakad. Ngunit kahit ganoon hindi ko parin mapigilang hindi kabahan. Napalingon ako sa kaniya at saka siya tiningala. Nang mahuli ko ang tingin niya ay natawa at napakamot siya sa batok.

He was towering over me. Pakiramdam ko kung ako ang nasa point of view ni Primo ngayon ang makikita ko lang ay ang bunbunan ko.

"What?" Tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko at umismid. "Anong what?" Tanong ko pabalik. Hindi ko alam pero naiinis lang talaga ako sa kaniya ngayon.

"Wala." Aniya na naman.

"Nagtatanong ka tapos sasabihin mo wala?"

Tila yata ang iksi ng pasensiya ko sa araw na ito dahil mas lalo lang kumukulo ang dugo ko sa walang kwentang usapan na ginagawa namin.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon