Chapter 14

14 2 0
                                    


'Apologize'


Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa amin nila Bea. Natapos ang festival na kami ang usapan sa buong school. Hindi ko inakalang masasangkot pa ang pangalan ko sa ganitong mga isyu ngayong pagraduate na ako.

Siyempre hindi iyon nakatakas sa nanay at lola ko, kaya heto ako ngayon at nakikinig sa walang katapusang sermon nila.

"Nay, sila ang nag-umpisa. Nanahimik ako pero sumusobra naman-" Agad na naputol ang mga dapat ko pang sabihin nang magsalita si nanay.

"Kahit na Tiana! Nakita mob a kung anong nangyari sa anak ni Mr. Claveria? Sila ang isa sa pinakama-impluwensiyang pamilya dito." Napahawak sa ulo si nanay at umupo sa tabi ko.

"Paano kung hindi nila palampasin ang ginawa mo? Wala tayong laban." Sabi ni nanay na lalo pang naging dahilan para ma-frustate.

"Martina, huminahon ka." Sabat ni lola.

Umawang ang bibig ko at halos magpantig ang tainga sa naririnig na mga salitang lumalabas sa bibig ng nanay ko. Hindi ako makapaniwala.

"Nay, kailagan ba na palagi na lang tayong magpapa-api at mananahimik dahil lang mahirap tayo? Kung ganoon pala nay, hindi na iyon magbabago at patuloy na lang tayong nasa ibaba nila. Hindi ba at mayaman man o mahirap parehas lang na may karapatan?" Tumayo ako kinuyom ang mga kamao.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin Tiana. Intindihin mo ng mabuti ang sinasabi ko dahil para rin iyon sa iyo." Sabi ni nanay.

Umiling ako. "Nay, sinukat niya ang pagka-tao ko ngayong hindi ko naman siya kilala. Kaya huwag niyo po sana akong pagbawalan na ipaglaban ang sarili ko dahil hinding hindi ako aatras kapag ako ang inapi. Handa akong makipagkalmutan ulit sa kaniya kung hindi niya pa ako tinigilan."

Tumahimik si nanay at bumuntong hininga. "Anak ka nga talaga ng tatay mo. Handang ipaglaban ang prinsipyo hanggang sa dulo." Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko, ngumiti rin ako at niyakap ng mahigpit si nanay.

Natapos ang festival pero hindi ang issue tungkol sa nangyari sa amin nila Bea. Ngayon ang huling araw ng festival at magkakaroon ng fireworks display. Kung hindi lamang dahil sa pangako ko kay Harley ay hindi na sana ako pupunta.

"Aba! Dasurb niya yun no! Dapat tinawag mo ako Tia para natulungan kita. Hahawakan ko yung dalawang kamay habang binubugbog mo!" Humalakhak si Isang habang umaakto pa na parang may sinusuntok sa hangin.

Rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa tuwing dumadaan ako sa banda nila. Sa ingay ba naman ng kasama ko ay malamang magiging agaw pansin talaga kami.

"So totoo talaga na wala silang relasiyon ni Primo? Dapak ha?" Kumento na naman ni Isang.

Tumigil ako. "Hindi ko alam Isa, at wala akong balak alamin. Okay?" Seryosong sabi ko.

Nakangisi si Isang na para bang mapupunit na ang labi niya habang pinapanood ang mga reaksiyon ko. "Okay, sige di na nga ako mangungulit." Aniya at nauna na sa akin sa paglalakad.

Dumiretso kami sa malawak na field dahil doon ngayon gaganapin ang program. Nag-umpisa na ang mga emcee nang makarating kami ni Isang doon.

Umabot ng halos isang oras ang awarding ceremony para sa mga athletes and speech na rin ng principal.

"The champs for the mens basketball, the Grade 12 STEM A." The emcee announced.

Bumaling ako sa gilid ng stage at nakita ang grupo nila Primo na paakyat na sa stage. Hindi ko alam na sila pala ang champion dahil hindi ako nanood nang kahit isa sa mga game nila.

My Enticed Majesty (Haciendero's Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon