JEMA:
jems hindi kaba naninibago kay deans parang laging nakabantay sayo..bulong ni jho kaya napatingin ako kay deanna na nakaupo sa may waiting area..sa totoo lang naninibago talaga ako..simula nung galing siya ng japan last week parang may iba..
ewan jho sa totoo lang naninibago ako,,parang may iba..hindi ko alam kung ano at bakit..seryosong sagot ko kaya napatingin din siya kay deans na busy sa phone..nandito kasi kame sa mall may bininiling gamit sa para sa shop..ewan kung bakit araw araw din si deans gusto laging kasama ako ,ganyan nga siya mula nung bumalik galing japan..
hays baka excited lang yan sa kasal niyo jems kaya laging nakabantay..pag iiba ng topic ni jho kaya bumuntong hininga ako,,sana nga ganun lang jho at walang ibang dahilan..
bb hindi paba kayo tapos nagugutom na kasi ako..seryosong sabi niya kaya nagkatinginan kame ni jho,,for the first time nagreklamo siya ng gutom habang kasama ako,,sa loob ng tatlong taon ng relasyon namin ni minsan hindi ko narinig na nagreklamo siya pag kasama ko ngayon lang..
ah patapos na bb..sagot ko nalang kaya tumango siya..
ok bb..mauna na ako sa chinese restaurant tapos oorder na ako nang pagkain natin hihintayin ko nalang kayo dun ha..seryosong sabi niya kaya lalong kumunot yung nuo ko,,kelan pa siya kumain ng chinese food...japanese/korean alam ko kumakain siya pero chinese ayaw niya..
hoy deans kelan kapa kumain ng chinese foods diba ayaw mo yun..biglang singit ni jho kaya biglang namutla si deans,,ano bang nangyayari sa taong to..pinagpapawisan ba siya..
aahhhh eehhh sabi kasi ni tots masarap daw maybe we can try din..nauutal na sabi niya kaya tumango si jho..
hui ano yun..tanong niya sakin kaya umiling ako,,may problema ba deanna wong..
may sakit ba yun,,parang wala sa sarili jems..daldal ni jho habang kumukuha pa ng kailangan namin sa shop.
ewan jho,,naninibago nga ako sakanya ilang araw na siyang ganyan mula nung bumalik siya galing japan..seryosong sabi ko kaya napahinto si jho sa paglalakad at tumingin sakin..
hindi kaya may kasalanan siya o kaya naman baka may babae..seryosong sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin,,bruhang to kung ano ano iniisip hindi kayang gawin sakin yun ni deanna..
haha charot lang to naman,,alam naman nating lahat na hindi kayang gawin ni deanna sayo yun..natatawang sabi niya kaya inikutan ko siya ng mata..mang aasar pa eh,,after namin mamili pinuntahan na namin si deans sa chinese restaurant..
bb bakit ka kakain niyan alergy ka dyan..seryosong sabi ko nung kumuha siya nung crab..napatigil naman siya sa sinabi ko..
aahh para sayo to bb..utal na sabi niya kaya tumango ako,,napansin ko naman nakatingin samen si jho saka umiling...hays deanna ano bang nangyayari sayo..after namin kumain hinatid na din namin si jho..
bb excited kana sa kasal natin .tanong ni deanna habang nagdidrive kaya sumandal ako sa balikat niya,,bakit ganun hindi ko naramdaman yung pakiramdam twing ginagawa ko sakanya to,,yung pakiramdam na ang bilis ng tibok ng puso ko..
uo naman bb..sagot ko nalang saka umayos ng upo,,naguguluhan talaga ako,,parang ibang tao tong kasama ko ngayon..
wait deanna..awat ko sakanya nung halikan niya ako nang madiin,,bakit ganun ibang iba yung halik niya,,saka bakit parang agressive siya,,naramdaman ko kasi yung paglikod ng kamay niya sa bewang ko..
why bb..hindi ba pwede..takang tanong niya kaya tumaas yung kilay ko..
diba napag usapan na natin yan na pagkatapos ng kasal natin gagawin yun..seryosong sabi ko kaya mabilis siyang ngumiti..
yes bb i know haha sinusubukan ko lang baka makalusot..tawang sabi niya kaya umiling ako..nagpaalam na din siyang uuwi na,,napasabunot nalang ako sa buhok ko sa nararamdaman at naiisip ko,,bakit parang ibang deanna yung kasama ko..
YOU ARE READING
THE HEART REMEMBERS
FanfictionThe mind forgets, but the heart will always remember.