TYLER'S POV
Malalakas ang sigawan na umalingawngaw sa buong hallway nang may nag-anunsyo sa pagdating ng grupo namin. Hindi na kami nagulat sa dami ng nakaabang na babae na nakikipagsiksikan masilayan lamang ang aming pagdating.
"Kyaaaaaaah!"
"Andiyan na sila, girls!"
"Grabe! Ang guguwapo nila umagang-umaga pa lang!"
"Ang bango nila lalo na ni Ethan!"
"Oo! Amooooy mayayaman silaa!"
"Hindi naman sila mayaman lahat!"
"Oo nga, pero hindi 'yon dahilan para hindi umapaw ang kaguwapuhan nilang lahat,”
“Oo! Kung ako ang pakakasalanan nila ako pa ang magtra-trabaho for them!”
“Kahit hindi sila mapera kung ganiyan naman kaguwapo at kalusog ang hinaharap ko, aba’y ibibigay ko lahat ng yaman ko!”
“Kailan kaya nila tayo mapapansin!”
“Gosh! Nakakaihi sa kilig!”
“Buti na lang talaga dito sila sa public school nag-aral!”
“Truee! Ngayon ang mayayaman ang naga-adjust sa’tin! Hahahahah! Maglaway silaaa!”
“Waaaah! Dadami ang maarti at makakaagaw natin na mas magaganda sa’tin!”
“Oo! At panigurado na lalo tayong nagmukhang alipin lang!”
“Sakit namaaaan!”
“Face the truth, caren! Hindi mapapasatin ang mga ‘yan!”
“Basta ako kampante na nakatingin na lang sa malayo!”
Malalakas ang impit na hiyawan na pinapakawalan nila. Sobrang dami nilang sinasabi at pakiramdam ko ay naawa ako sa kalagayan nila. Kawawa sila kase hindi nila makukuha ang kagaya namin.
Hayst! Kung kaya ko lang pagsabayin kayong lahat ay ginawa ko na. Ang hirap talagang maging guwapo. Hay buhaay!
"Tsk. Mas lalo silang umingay." Dinig niyang reklamo ni Owen.
"Parang hindi ka pa nasanay." Ngising sagot ni Ashton. Ito lamang ang sumusulit palagi sa ganoong senaryo nila na parang hindi nagsasawa.
"Balita ko ay mas madami ang nag-transfer ngayong taon dito sa school natin," guwapong-guwapo sa suot niyang uniporme si Ethan na halata mong malinis talaga sa katawan.
Ito ang masasabi nilang pinakamabait kahit na ito ang mas may kaya sa amin. Nasa ibang bansa ang mga magulang niya at minsan lamang umuwi rito. Sobrang linis nito sa katawan na halos maiisip mong binabae siya.
"Hindi naman iingay ng ganito kung inagahan ni Tyler!" Napalingon ako kay Keane na tinuturing kong kuya sa apat.
"At bakit naman ako nadamay, ha!?" Ngusong tanong ko.
"Kung inagapan mo hindi sana ganiyan karami iyan ngayon, hindi na tayo halos makadaan, oh!"
"Kasalanan ko bang mabagal magpatakbo si manong, ha!?"
BINABASA MO ANG
MISSIO LAMIA
VampirgeschichtenAng inaakalang madaling misyon ay naging masalimuot dahil lamang sa maling pag-ibig. Pag-ibig na ni minsan ay hindi naramdaman ng mga nilalang na iyon sa kanilang kinaladkan. Hindi kailanman pumasok sa isip nila na maaring ang damdamin na iyon ang m...