Kabanata 04

166 10 0
                                    

MALALAKAS na hiyawan ang pumaibabaw nang dumating ang kotse ni Ethan. Lumabas kaming dalawa at pumasok sa malaking gate na kulay itim.

"Hey! Oh my Gosh! Hindi ko akalain na pupunta nga talaga sila!"

"Ang guwapo ni Ethan! Shocks! Nahuhulog ang panty ko!"

"Klaire! Look! Hindi nila kasama si Nathaliaa!"

"Omo! Are you sure? Baka mamaya na-late lang, ha!"

"No! Hindi naman napayag si Keane kapag hindi kasama ang girlfriend niya!"

"Then, why he's here? Is he allowing us to flirt with him?"

"Maybe? He's super loyal kaya! That's why mahirap siyang lapitan!"

"Duh! We're here to party! We must grab the opportunity!"

Napapalunok akong hinihintay si Ethan na matapos sa ginagawang pag-aayos sa kotse niya. "Dre, kinakabahan ako." Sabi ko nang makalapit siya.

"Why?"

"Siyempre! Matik na maraming lalapit at lilingkis sa akin lalo na at wala si Nathalie!"

"Hahaha! Is she aware kung saan ka pupunta ngayon?"

"Malamang! Siya pa nga ang nagpumilit na pumunta ako rito kase kasama ko naman daw kayo, lalo na si Tyler---"

"But Tyler is not here pa." Natatawang naglakad si Ethan papasok na sinabayan ko naman. Nakasuot kami pareho ng casual attire dahil sabi ng Fourful ay sila na ang bahala sa pang outfit namin kapag nasa pool na.

Sa ngayon ay natutuwa akong wala pang naglalakas na loob na lumapit. Ngumingiti nang ngumingiti habang nagtititili pa lamang sila. Pero sigurado ako na mamaya kapag lango na sa alak ay may magwawala na.

"Ang lakas talaga ng Fourful! Nakakainggit!"

"Sinabi mo pa! Gosh! Hindi ko akalain na kasama talaga silaa!"

"Sabagay, bagay naman talaga silang lahat."

"Nasaan na kaya si Tyler? Siya ang want ko!"

"Pati na rin si Owen, wala paa!"

Dumeretso kami ni Ethan sa likurang bahay kung saan naroon ang pool. Malaki ang bahay at talaga namang sobrang lawak. Nagkalat ang mga lalaking walang pang-itaas na damit ganoon din ang mga babaeng kitang-kita ang hita at likuran.

Ito talaga ang iniiwasan ko, e. Ayokong magkasala! Bee!

"Ow! They're here na pala, e!" Napalingon sa amin ang lahat nang isigaw iyon ni Shanai. Kaunti pa lang ang mga taong nasa malaking pool. Ang iba ay nakababad lang ang mga paa.

Nagulat pa ako nang makitang ang daming naghahalikan, lalo na nang makitang isa roon si Ashton. Nakaupo siya hindi kalayuan sa ihawan. May nakaupo sa kaniyang dalawang babae at talaga namang salitan kung halikan niya pareho.

"As I expected." Narinig kong sabi ni Ethan. Nakalapit na sa amin sina Alea at Aryl. Nakipagbeso sila kay Ethan na malugod naman nitong tinanggap.

MISSIO LAMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon