Kabanata 05

146 10 0
                                    

NANLILIIT ang mga matang tinitigan ko si Galina habang umiinom ng tubig. Maagap pa pero heto at katatapos niya na namang kumain galing canteen. Natawa akong maisip na matakaw ang kagaya niyang babae.

Sabagay, kaya siguro siya tumangkad ng ganiyan.

"Hindi ako papayag na hindi kita magantihan sa ginawa mong pagsulpot sa harapan ko! Hindi ko pa rin nalalaman kung bakit alam mo kung ano ang tunay kong pangalan! At mas lalong kasalanan mo kung bakit nabangga ko si Nagato kagabi!" Nasinghal akong kuyom ang kamay na hinayaan siya ng sapak kahit malayo siya sa akin. "Kung hindi mo ako kinausap-usap, e 'di sana ay nakaalis na ako sa lugar na 'yon at hindi ko siya nabangga! Hindi ko sana nadala sa apartment ko ang Nagatong 'yon! Hindi ko rin sana naibigay ang jacket ko---"

"H-hi...?" Salubong ang kilay na nilingon ko ang nagsalita. "I-i just wondering, s-sino ang kausap mo?" Nilingon nila ang harapan ko, ganoon din ang likod. "W-wala ka naman kasama kaya---"

"Pakialam mo ba! Sino ka ba!? Kilala mo ba ako!?" Turo ko sa sarili ko. Nakakainis. Distorbo. "Ako si Tyler! Tyler Servus! Ang pinakaguwapo at pinaka-cute sa Fiveso---"

"Oh my God! Ikaw ngaa! Halaa---"

"Sabi sa'yo, siya 'yon, e!"

"Sorry, Tyler! Akala talaga namin kung sino, napaano ba kase 'yang mata mo---"

"Tama na 'yan! Mukhang bad mood siya. Malagot pa tayo."

"A-ah! S-sige, Tyler. Una na kami. Ingat."

"Ako nga pala si Ashley, sana maalala mo ako! Yieee!"

"Byeee, Tyler!"

Masama ang mukhang sinundan ko ng tingin sila. Mga sinungaling. Imposible na hindi nila makilala ang kagaya kong sobrang guwapo, tindig ko pa lang ay alam mo na kung sino nga ba ako. Ni ang amoy ko, lalo na ang maganda kong boses ay makikilala agad.

Papansin! Hindi naman magaganda!

Salubong pa rin ang kilay na ibinalik ko sa puwesto ni Galina ang paningin. Ngunit nagulat ako nang wala na siya roon. Mas masama ang mukhang hinanap ko siya kung saan sa tingin ko ay dadaan siya.

"Nasaan na 'yon!?" Dumadami na ang estudyanteng nadating pero alam kong makikita ko kaagad siya dahil sa pambihira nitong tangkad. "Buwisit! Hindi na naman ako nakaganti! Nasaan na ba 'yon!? Huwag mong sabihin na bumalik siya sa canteen para kumain ulit?" Lumingon ako patalikod upang tingnan siya roon nang bigla akong mapatalon sa sobrang gulat. "Tangina!"

"May kailangan ka ba sa akin?" Buong-buo ang boses na tanong niya.

"Bakit ka ba nang-gugulat! Dati ka bang nagtra-trabaho sa mga horror house, ha! Gusto mo ba akong patayin!?"

"Bakit ko naman iyon gagawin?" Kalmadong tanong pa niya.

"Sumasakit ang puso ko sa'yo! Palagi kang sumusulpot! Paano kung sa susunod ay atakihin na ako! Sira ka ba!?"

Pinagtitinginan na kami pero hindi ako nagpatinag. Nababadtrip talaga ako kapag pikon na pikon na ako tapos ang kausap ko daig pa ang bato. Parang walang pakiramdam.

"Para kang nagmana sa kaibigan mong tuod! Wala kayong pakiramdam! Paano ka napunta riyan?! Kanina lang ay nandoon ka!" Tinuro ko ang puwesto niya kanina. "Pagkatapos ay nandito ka na!? Oa ang bilis mo, ah! Tumakbo ka ba para gulatin lang talaga ako o binayaran mo 'yung mga babaeng 'yon para ilayo ang atensyon ko sa'yo at sa kanila mapunta---para nga naman mabilis kang makapunta riyan sa likuran---"

MISSIO LAMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon