Kabanata 06

122 10 0
                                    

TYLER'S POV

HINDI ko malaman kung bakit kailangan na nandito ang mga abnormal na ito. Pero tama nga naman. May kasalanan din sila, hindi lang kami! Kaya kung may dapat managot dapat ay kasama rin sila.

Mahinhin ngunit naroon ang pormal na kilos na pumasok ang A.B normal girls. Isinenyas ni Dragona ang katapat naming upuan upang doon sila pumuwesto. Mga wala na namang kuwenta ang mukha nila kung titingnan.

Doon ko sila napagmasdan nang malapitan. Aaminin kong magaganda nga sila, kulang nga siguro ang salitang maganda para ilarawan sila. Walang salitang ang maaring gamitin dahil kakaiba ang mga hitsura nila.

Sa kanilang lima, talaga namang si Maia ang kakikitaan mo ng kabaitan. Madalas itong nakatungo lang at minsan pa ay kung saan-saan tumitingin na para bang batang laging naninibago sa kaniyang paligid.

Kasunod ay si Galina, siya naman ang hindi mo makikitaan ng kahit na anong reaksyon maliban sa pagiging kalmado. Parang kahit pasabugan ko siya ng bomba sa harapan ay ganoon pa rin ang mukha niya.

Manhid!

Nilingon ko naman ay si Andriette na mukhang tibo. Kahit yata babae ay talagang magkakagusto sa kaniya. Kung magdamit ito ay parang lalaki, ganoon din kung kumilos ito. Ang taling na nasa gitna ng kaniyang leeg ay parang nakapagdagdag angas sa kaniya.

Maganda sana kaso tibo talaga! Pangit pa ang boses!

Bahagya kong pinanliitan ang babaeng iyon, kung hindi ako nagkakamali ay Adrastiea ang pangalan niya. Magkamukha nga sila ni Andriette ngunit sobrang laki ng pagkakaiba. Kung si Andy ay mukhang tibo, kabaliktaran naman nitong kapatid niya.

Parang bayaran ang babaeng ito sa sobrang ikli ng kaniyang pananamit. Hindi man lang nadala sa nangyari kahapon. Ngunit aaminin kong hindi biro ang kagandahan na taglay na mayroon ito. Posible rin na kung makilala ko pa siya nang tuluyan ay magugustuhan ko talaga siya.

Sobrang kinis ng balat niya, mula sa mukha, leeg, balikat, braso at hanggang sa kaniyang mga hita papunta sa kaniyang mga paa ay talagang wala kang makikitang kahit na anong peklat. Dagdag pa ang mapang-akit nitong taling sa ilalim ng kaniyang kanang mata.

Sure akong isa siya sa magugustuhan ko!

Nanlaki ang butas ng ilong kong nilingon si Nagato, na sa lahat ay talagang naiiba. Kulay pa lamang ng kaniyang mata ay ibang-iba na, hindi naman iyon masagwa tingnan dahil bumagay iyon sa kaniyang kulay. Ngunit hindi iyon bumabagay kapag kumikilos na siya na parang tibo. Mayabang ito kung titingnan, kung magsalita rin ay parang ulyanin, nakakatakot din ang boses nitong parang nagmumula sa ilalim ng lupa.

Mga babaeng biniyayaan ng kagandahan ngunit hindi naman sa boses!

Itong si Nagato, ang mga mata ay parang laging nanghihigop. Wala namang kakaiba roon sapagkat wala kang kahit anong makikitang emosyon. Ang mga labi rin niya ay lagi lang pantay, ni ang mukha niya ay parang hindi man lang kumukulubot ni saglit.

Kalma naman siya kung titingnan, ngunit mas mapapansin mong para siya laging handa sa kung ano man. Para siyang isang tahimik na mandirigma na kayang makagawa ng mga bagay na hindi mo aakalain na magagawa niya. Kaya kung titingnan mo siya ay talagang maninindig ang balahibo mo, hindi lang dahil sa hitsura at boses niya kundi sa mismong presenya niya. Parang kahit ang tingnan mo siya deretso sa mata ay wala kang karapatan kaya kinakailangan mo ay iwasan.

Matangkad siya sa apat maliban kay Galina na nataasan siya nang kauntian lang, kahit sa tangkad ay parang ayaw niyang magpatalo. Ngunit napansin kong sa kanilang lahat ay siya lang ang hindi kulay niyebe. Maputi siya ngunit hindi kagaya ng kina Adrastiea na halos kulay papel talaga, para ngang mas maputi ako sa kaniya. Ang buhok din niya ay hindi kagaya ng sa kanila na parang alagang-alaga, may pagka-wave iyon ngunit hindi naman masagwa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSIO LAMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon