Kabanata 03

202 12 0
                                    

NANG makita nilang umalis si Nagato ay agad silang sumunod rito. Nang akma na akong tatalikod ay napansin ko ang pagsunod rin dito ng mga kasama ko.

"Ano'ng ginagawa niyo?" Tanong ko.

"Wala ka bang ilong, kita mo ng naglalakad, eh?" Sagot ni Owen.

"Huwag niyong sabihin na balak niyong sundan ang mga wirdong 'yon!?"

"Huh?" Nilingon nila ako ng nagtataka.

"Ano'ng ginagawa niyo, 'di ba sinusundan niyo sila?"

"Dre, uminom ka ba ng gamot mo?" Tanong ni Keanot.

"Ano!?"

"Sabi sa inyo, turukan niyo ng karayom ang ulo, e!"

"Dito ang daan papuntang room natin." Saad ni Ethan. Naipit ko ang dalawang labi papasok sa bibig ko nang mapansin ang daan. Napapahiya akong umiwas ng tingin! Kumurap-kurap ang matang tiningnan ko sila.

"A-hm, kasi..." wala akong maisip na magandang dahilan.

"Tara na nga! Sabog na naman 'yan!" Asik ni Ashton, nanguna siya at sumunod naman ang iba.

Nakabusangot din akong sumunod. Napanguso pa ako nang danggilin ni Owen ang braso ko at nanguna.

Ugook!

"They following us!!" Agad kaming nahinto nang marinig namin ang boses ni Maia.

Tiningnan namin kung ano ang tinutukoy nito ngunit nakatingin ito... "It's just a shadow, duh." Maarte pero natatawa namang sagot n'ung babae.

"Can we take a picture?" Nag-aalangan pang sabi ni Maia. "This is the first time..." pahinang sabi nito.

Eh?

"I have a camera here." Itinaas ni Andy ang camera sa bandang uluhan ni Nagato.

"When people's taking a picture, they doing this." Nagpeace-sign si Galina at tiningnan naman ng mga ito ang daliri niya 'saka ginaya.

Itinaas ito ng maarteng babae na ginaya naman nila, maliban doon sa isa na wala pa rin reaksyon. Nakakatakot siya, para siya manikang maganda pero nakakatakot dahil wala palaging emosyon. Hindi yata siya marunong tumawa, ngumiti, lalo na siguro ang umiyak.

"T-they weird!" Bulong ng kasama ko.

Nagulat na lamang ako nang lumapit si Ashton dito. Parang nanliit pa ang mga mata ng A.B normal girls na iyon nang lumingon sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba sa tumama ang sikat ng araw deretso sa mata nila o dahil pinag-aaralan nila kung sino kaming nasa harap nila.

"Masyado niyo naman yatang pinanindigan ang titulo niyong A.B NORMAL GIRLS?" Sarkastikong sabi ni Ashton dito.

Lumapit na rin kami sa kanila, "Baka naman ginagawa lang nila 'yan para mapansin natin?" Si Keane.

Napatingin ako sa babaeng iyon. Nagulat akong napaturo sa kaniya. "I-ikaw!" Napalingon sila sa akin na nagtataka.

"Ha! The arrogant." Singhal nito.

"He's the one." Napatingin ang babaeng iyon kay Andriette.

"You mean?" Tumango si Andriette habang nakatingin sa akin. Mapanghusga akong tiningnan ng maarteng babaeng iyon.

Siya 'yung nabangga ko kanina na akala ko ay prof! Hindi naman ganiyan ang suot niya kanina! Mas umikli pa.

"Kilala mo siya?" Tanong sa akin ni Owen.

"S-siya 'yung bumangga sa'kin kanina---"

"What? Excuse me? You're the one who bump me!"

"H-hindi ka kaya nakatingin sa dinadaanan mo!"

MISSIO LAMIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon