TYLER'S POV
Hindi ko malaman kung pagkamangha ba o gulat ang bumabalot sa buong silid. Ang alam ko lang ay nakakabingi ang sobrang katahimikan habang naroon ang paningin namin lahat sa apat na babae.
"Sila ang mga bago ninyong mga kaklase." Ramdam ang pagmamalaki sa boses ni dragona.
"A-ang g-gaganda putsa!"
"Para silang mga Diyosaa!"
"Shit! Sino sila?"
"Ang gaganda naman nila."
"Pre, jackpot tayo!"
"Ang suwerte talaga natin!"
Ngumiti nang malaki sa amin si Dragona. "Ano nga ba ulit ang nira-rant niyo Mr. Francisco and Mr. Villareal?" Tumingin ito ng nakakaloko doon sa dalawang kupal.
"Mr. Francisco at Mr. Villareal hindi niyo ba ako naririnig diyan, bakit parang nakakita kayo ng mga multo?"
Nang hindi sumagot iyon dalawa ay nilingon ko sila. Nagtaka pa ako nang makitang pareho silang nakanganga. Nakita ko ang nanlalaking mata ni Ashton habang si Keane ay kumikibot ang labi animo'y may sinasabi.
Nang makitang hindi nakalingon si Dragona sa puwesto ko ay inihaba ko ang braso para batukan si Keane at magising sa kahibangan. Gulat nito akong sinamaan ng tingin.
"Sumbong kita kay Ate Nathalia!"
"Bakla ka!"
"Pakyu!"
"Girls, please introduce yourself." Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Dragona nang sabihin iyon.
Plastikada talaga ito!
Iyong unang pumasok ang unang humakbang pauna at yumukod na ipinagtaka namin.
"I'm GALINA ARES, It's nice to meet you." Kalmadong pagpapakilala nito. Napangiwi ako nang maalala ang mukha niya sa repleksyon kanina sa salamin. Bumalik siya sa puwesto niya kanina at doon tahimik na tiningnan kaming lahatTinakot mo ako kanina! Lagot ka sa'kin mamaya!
"I am ANDRIETTE ERIS." Ngumunguyang pagpapakilala ng babaeng nakapamulsa. Malagong ang boses na inilabas niya kaya naman nagulat kami.
Sa ganda niyang iyan? Psh! Tomboy? Pft!
Pormal siya kung titingnan ngunit naghahalo ang pakiramdam na tomboy siya sa paraan ng pagkilos. Ang umagaw ng atensyon ko ay ang itim na itim niyang taling sa dibdib, maliit naman iyon ngunit parang kay gandang pagmasdan sapagkat iyon lamang yata ang nanira sa maputi niyang kutis.
Nakayukod na sinilip ng cute na babaeng iyon ang babaeng may kulay asul ang mata. Nalunok pa siyang humakbang pauna at muling yumukod. Natatawa man ay parang mas natuwa pa sila sa inakto nito.
"A-ako n-naman po si M-maia Melosa, ikinagagalak ko kayong makilala... s-sana maging m-magkaibigan t-tayong l-lahat."
Hindi namin alam kung saan kami nagulat. Kung sa pautal-utal, pagiging mahiyain, pagtatagalog niya o sa mala-anghel niyang boses! Malamyos siyang magsalita na napakagandang pakinggan.
"Tangina, akala ko mga kanà!"
"Nagtatagalog pala?"
"Shit, Jackpot tayo!!"
"Magiging masaya 'to!"
"Ilang taon ka na, Miss?" Malakas na nagtawanan ang mga kaklase namin.
Lalong lumakas ang ingay sa dami ng bulungan at sigawan na nagaganap. Napaayos ng salamin si Maia bago bumalik sa puwesto niya. Napayukong napanguso ito dahilan para mangiti ako.
BINABASA MO ANG
MISSIO LAMIA
VampireAng inaakalang madaling misyon ay naging masalimuot dahil lamang sa maling pag-ibig. Pag-ibig na ni minsan ay hindi naramdaman ng mga nilalang na iyon sa kanilang kinaladkan. Hindi kailanman pumasok sa isip nila na maaring ang damdamin na iyon ang m...