Prologue

16.7K 168 24
                                    

"Oh my gosh!!!!!!!!!!!!!!!!" napatakip ako sa magkabilang tenga ng may sumigaw ng super duper talas na parang naipit na pusa!

Inis na nalingon ko sila. Ano ba naman yan hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pusakal na equations na kailangan kong masagutan!

"OH MY!! OH MY!! AHHHH!!!"

"AHHH!!!!!!! SIYA YUN!!!!! SIYA YUN!!!!!!!!!"

"OOO!!!! OOO!!!!!! PUPUNTA SIYA RITO MY GEESH!!! HIHIMATAYIN ATA AKO!!!!!!!!!!"

Nanggagalaiti na ako sa inis ng tuluyan ko ng naibagsak ang lapis sa mesa, saka sila muling nilingon.

"HOY!! PSST!!! ALIS NGA KAYO DIYAN!! KE-INGAY-INGAY!! ISTURBO KAYO!" bulalas ko.

 Hayk. Ano ba naman yan...nagsi-special exam pa ko o, pero ang ingay-ingay nila, wala man lang konsiderasyon. Pano ko to masasagutan ng maayos?

Ilang saglit pa'y naramdaman kong uminit yata sa loob kaya naman tumayo ako para paikutin yung ceiling fan ng biglang . . .

BOOOM!

"NASAN SI KAILEEN TERMANO?!"

 Nangunot noo ako ng biglang bumalibag ng bukas yung pinto ng library, tapos narinig kong may sumigaw mula doon.

 At hindi lang yun, pangalan ko pa yung sinigaw.

Pero teka lang! Kilala ko boses na yun ah.

Lumingon ako saka napalunok ng malutong.

Nung makita ko kung sino yun, eh automatic na nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

" . . .patay. . ." nabulong ko sa sarili, habang napapangiwing tanaw si Night.

Ang boyfriend kong gangster . . .ang boyfriend kong Killer, Assasin, murderer, rapist, communist, tyrant, dictator, antagonist at lahat ng nega-nega factor!

"AHHHHHH!!!!!!!!! Anong ginagawa mo rito lalake ka?!!!" sigaw ko ng bonggang-bonggang turo-turo ang pagmumukha niya!

 At tulad ng lageng ginagawa ng unggoy, nginisihan lang niya ako sabay kinindatan.

Hindi ko alam pero mahihimatay yata ako.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon