Chapter 23 His Revenge

3.4K 49 6
                                    

Chapter 23

 (Ikay's POV)

"What?!" Oo, napakalaking Huwaaat nun! napakagat-labi't napabulong ako sa libo-libong santo ngayon habang sila'y di parin makapaniwala.

Tsaka ano bang pumasok sa utak ko't dinamay ko pa si Manong?

Virus talaga ako!!

Agh!

"Etong si Ikay! napakasinungaling!" kurot ni Arii sa tagiliran ko kaya napaiwas ako.

Naman o, parang stuck ako ngayon in the middle of two knives! HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO!

"Oh...my...Ghad..." dun lang muling na-shift ang atensyon ng mga bruha ng biglang pagyuyugyugin ni Claudia lahat ng braso namin. Saka parang nawawalan ng hiningang tinuro ang pigurang papalapit:

Si Night.

Habang napatingin ako, di na ko nagulat pero--parang may kung anong sumipa dun sa original kong reaksyon sa kanyang nalalapit na pagdating.

Yung sanay 'Hala Ikay ! Palapit na ang demonyo!' ay naging ' OMG.... he's the royal hotness'.

Nakanganga na nga rin siguro ako ngayon na head to toe na tiningnan si Night.

On a casual sneakers, naka black skinny jeans, ordinary casual shirt na may slant black lines sa upper chest, dahil rin sa sikat ng araw, nagre-reflect yung crucifix necklace niya, at lalong tenk yo kay haring araw: naglalabasan ang sobra-sobrang kaguwapuhan nitoooo!

Sa putla kase ng skin niya, nag-go-glow na siya, tas ang plain lang ng kurbadong lips niya, ang natural naka-cute-an ng cheeks niya, na parang alang pores ever ever na na-experience! yung matangos niyang ilong ... yung yung yung yung ....mata niya.

My Ghad! hindi ko to Kere! mahaba pala ang talukap ng mata niya, na naniningkit na dahil sa sinag ng araw--and yep, it stole my breath away.

tsaka yung buhok niyang makapal, na nagbrownish na sa ilalim ng init...my...,my... sarap hawakan at paglaruan.

"Dyos ko!! Normal pa ba yan?!" gusto ko mang matawa sa naibulalas ni Kim, eh pati narin siguro ako nag-agree kung normal lang ba ang gwapo niyang lalake o sadyang ampapanget lang ng mga lalakeng nagiging crush namin sa San Pablo? Ano? san dun? Siguro yung pangalawa.

"Lalapit siya rito Gurl!!" paipit na tili ni Krish sa gitna ng lahat na nagtatalon-talon pat mukhang mababaliw ng mas maaga.

Nang muling mag-register sakin yung mga kahulugan nang salita bigla akong nagising sa magandang panaginip; nalimutan ko isa nga pala siyang . . . Nightmare!

At sakin siya pupunta ngayon! Oo, ALAM KO! Napaatras na ako sa likod ng mga babae na wala na atang pakibebs kahit pa maglaho ako rito.

Kung makapanlibak kanina tungkol sa lalake--wagas! Akala mo nga pinandidirian na pero heto . . . kita niyo? kung kita niyo lang ang mga itsura.

Parang mga lintang uhaw sa dugo.

Lord, diba mabait ka sakin? Lord, last na to!

Pls! Wag niyong hahayaang gumawa ng kalokohan ang lalakeng to! Napapapikit ako nun habang nakatalikod sa mga kaibigan kong di na halos maatol tumili at puro paipit nalang ang mga tilian kase. . .

Napadilat ako bigla.

Alam kong natigil na sa harap ngayon namin . . . si Night.

(Night's POV)

Nangungunot noo parin ako kahit nasa ilalim na ako ngayon ng payong ng malaking puno. Hindi dahil sa mainit parin, kundi dahil sa mga to--si Termano lang naman ang tinatanaw ko, parang di ko man lang napansin tong mga babaeng di ko alam kung namumutla ba o namumula . . .

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon