Chapter 48 Weird Invitation

2.9K 39 0
                                    

Chapter 48

[Ikay]

Balik-eskwela nanaman. Syempre, ipinasa nanamin yung mga projects namin na paper mache.
Kahit panget man sakin tulad ng sinasabi ni Elay, ala akong pake...basta masaya ako dun sa ginawa ko, eh sa kung alam kong yun lang ang kaya ko eh! Okay na yun..cute yung ice cream na yun magpakailanman.
Isa iyong alaala mula kay Night. Naalala ko tuloy yung mga nangyari.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Elay patungong canteen ng may magsurpresa samin.
"Huy! Ow—" napangiwing bulalas ni Andoy ng gulatin niya kami pero kasing bilis din nun ang sapak ni Elay sa ulo nito.
"Ansaket nun ah!" "Ang korni mong manggulat" ani Elay na parang naiinis dito. "Inis ka parin ba sakin ah? Hoy—Elay, di ko naman kasalanan kung nakakatakot yung mga gangs—aray! Bat mo ko sinapak uli?!"
"Diba sabi ko huusssshhhh???" Medyo na-weirduhan naman ako sa kanila pero pagdating namin sa canteen...

"OMG!!! Ikay!!! Totoo bang close kayo ni A N T O N  C H E N?!!"

nyaaahhh!! Nangunot-noo ako, napangiwi lalo na ng ma-corner ako ng mga kababaihan sa isle nung papalabas na ako dala ang milk shake ko.
Naitaas ko yun kase baka matapon kase nagkakagulo na sila.
"Huh? Ano bang sinasabi niyo? Sino namang may sabi niyan?"

"Isang babaeng nagngangalang Kim!"

Nyaaahhh!! Mas napangiwi ako. Oo nga pala muntik ko ng malimutan ang kinaiinisan ni Elay na fans club ng Anton na yun, isa sa dahilan kung minsan nagbabangayan yan sila ni Kim, kase number 1 fan yun eh at kailan ko lang din napansin na siya nga ang Anton na iyon.
Eh, sabi nila, math quizzer daw yun. At dun ko lang kilala si Anton Chen na di ko naman lubos akalaing.. isa palang gangster!
"Wala akong alam sa sinasabi niyo! Please painumin niyo muna ako ng milk shake kooo!!"

***


[Gabe's POV]

"Sa susunod mag-ingat ka naman" sabi ko habang inilalapag nanamin ang mga gamit sa loob ng Consuelo. Isa iyong pribadong paupahan na lilipatan namin ni Soul.
Lumipat kami kaagad dahil alam kong makikilala kami ng mga tao sa unang subdivision na nilipatan namin.
At dahil masyadong sakim itong lalakeng to...kailangan ko pa ng extrang ingat dahil kapag nadaluyan na ng droga ang kalamnan nito, minsan nakakalimut na ang gago. Nagdadala ng kung sinu-sinong babae sa bahay.
At nung nakaraang araw..muntik pa akong makita ng isang kakilala sa kapabayaan niya.

"Alamo, hindi ko gusto ang lugar na to...masyadong malayo sa beer house. Wag mong sabihing ikukulong mo ko sa bagot?" Anito na napahiga sa sofa.

"Oo, parang ganun na nga.. isang taon tayong mananatili rito" anunsyo ko.

"What?!" He muttered with disgust.

"Remember the contract, importante yun" pagpapaalala ko sa kanya. Saka lumabas.
Sinabi na ni Cade ang susunod na target, mula sa impormasyong nakuha namin sa unknown...

ang senior ..nina Night.

Si Papa.


**


[Night's POV]


"Bata" hawak ni Cade sa ulo ko. That was his greeting whenever we reach Alcalamis' umbrella.
Kapag nasa labas kami, we tend to be strangers.
"Bitiwan mo ko" I warned him.

"Hindi ka parin nasasanay ah? Matigas ka talaga. Kaya nga gusto kita" nainis naman ako ng hawakan pa niya ko sa balikat na parang malapit kaming magkaibigan.

"Just as I thought ...anong kailangan
mo?" Napatayo ako ng tuwid ng lumabas ang senior namin. Si Gregory Zelrich, ama ng kalabang samahan na si Gabe. He was the reason why I joined Gabe's gang, to spy on each other, tulad ng gusto nitong mangyari. He had five unknowns in his covert, kasama na ako roon. Syempre, hindi rin kase basta-basta ang benepisyo ng sinuman sa samahan kapag naging unknown ka.
Probably, I'd even become richer than my father.
Pero may rason kung bakit nananatili parin ako sa poder ng ama kong gahiman.
I had to stay with him.. dahil..ama ko siya.
Oo. He'd raised us, his three children in such a traumatic form. But since I was a kid, I never left him for no reason.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon