Chapter Four Hood Guy Again?

4.9K 68 1
                                    

Chapter 4

(Ikay's POV)                                                           

Nang pumasok kami sa classroom, ito naabutan namin:

 "O, Arii! Anong nangyari sayo?!" takbo ni Kim sa umiiyak sa chair nitong si Arii.

Hay naku. Tanging naisip ko.

Lumakad nalang ako patungo sa sariling silya habang ang iba'y hinehele ito.

Alam ko na yan  . . . umiiyak yan dahil kay Keith.

"Si Keith kase . . ." hagulgol nito. Napangiwi tuloy ako. Ang OA talaga!

Ba't kase super in love dun sa walang kwentang Keith na yun, eh 'lang alam gawin yun kundi ang mangbuska ng kapwa at sadista pa!

tsk tsk tsk. Sorry, pero di talaga ako relate.

Pauwi na kami ng hapong iyon. Medyo makulimlim. Napansin ko narin yun kanina pa.

Nasa pathwalk ako palabas ng school kasama si Elay, nang makasalubong namin ang grupo . . . ni Kuya Billy. Pero BillyLess.

Ngumisi si Tantrum, yun ang bansag sa shark boy-hair style na lalake, na sa pagkakaalam ko eh ang leader ng naturang group. GANG yun kaya nakakatakot.

Mga lima ata sila ngayon. Pero mas marami pa diyan sa labas ng school.

Ngumisi ito ng makita ako. Sumimangot lang ako.

 Ayoko talaga sa kanila.

 "Hoy, kuya mo?"

 Nung medyo naglampasan na kami ng lakad me-sumigaw nun, lumingon ako.

 "Hindi na babalik kuya ko" matipid kong sagot.

Sabi ni Mama, napakaganda daw ng school at masyadong maraming security kaya sigurado rin siya na di magloloko si Kuya Billy roon.

Sana nga magbago na ito.

 "Nasan na si Erene?" me nagsalita sa likuran nung palabas na kami ng gate ni Elay. Accidentally parang rinig na rinig ko lang habang busy naman sa pagbabasa ng magazine itong si Elay kaya siguro napapa-blink-blink lang ang mga mata ko habang nakikinig sa pinag-uusapan nila.

 "Girl, dropped out na siya sa school . . . balita ko . . . after what happened sa kanila ni Termano----" napalukot ang noo ko. Apelyido ko yun ah. Kaso, binulong nalang nila sa isa't-isa yung mga sumunod na sinabi kaya hindi ko naman naintindihan.

 Itinulak naman ako ngayon ni Elay patungo sa kabilang sidewalk kaya mas lalong hindi ko na narinig ang mga sinabi nila.

Tas dun ko lang napansin na basa-basa parin niya yung magazine na kani-kanina pa nito hinahawakan at tinatawanan.

"Hoy! Ano ba yan?!" sabi ko na na-curious.

 "hehe. Tingnan mo to Ikay, sabi sa horoscope mo . . . wag ka raw dadaan sa sidewalk kase me-magandang mangyayari raw sayo na baka nga daw ikalabas ng puso mo ! hehe . . .kapag inulit mo pa raw . . . Love Life mo:  Perfect!"

 "Tehehehehe!!!! ang corny niyan ha! Patingin! Parang pinaglaruan na article!" sabi ko na sinilip nga iyon.

 At mukhang joke lang talaga yung horoscope kase nakakatawa ang mga description. Wag daw dadaan sa side walk.

 Akalain mo yun, sa sidewalk naman talaga ako lageng naglalakad. Sinasabi rito na mahahanap ko yung love life ko sa sidewalk na to. Baka naman may makikilala ako na perfect match ko sa wakas.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon