Chapter 27 Call Me Maybe

3.1K 40 2
                                    

Chapter 27

(Ikay's POV)

INTRAMURALS NA NEXT WEEK

Narito nanaman ako sa likod ng hall, iniiwasan ang mga bruhang yun na interview-hin nanaman ako ng kung anu-ano.

 Wala naman akong alam. Tahimik lang akong nanonood sa paligid doon nang may mahagip ang mata ko,

"Elay!" tawag ko ng buong lakas. Nilingon niya ako. Ngumiti siya't kinawayan ako. Kaso, mukhang may iniutos pa sa kanya. palapit ng mag-lunch

 Culinary arts kase ang specialization ni Elay, habang sakin naman, ICT. Wala kaming klase tas sila mukhang busy sa pagluluto.

May bitbit nga siyang baso ngayon eh na mukhang tutungo sa dirty kitchen. Nag-thumbs up naman ako.

Sinasabing galingan niya.

Tapos tinuro niya ako, sinasabi nito kung okay lang akong mag-isa. Tango-tango naman ako.

"Hihintayin kita rito!" sigaw ko. Nag-thumbs up siya, saka nag-wave.

 Dahil sa mga pangyayaring walang kwenta nung mga nakaraang araw madalas di na kami nagkakasama buti bespren ko siya.

Hindi man siya madaling magdamdam feel ko parin yung meron naman eh kahit hindi niya aminin.

Ipinuwesto ko nalang ng maayos ang sarili sa pagkakaupo sa sementadong upuan na iyon.

May ilang estudyante naman ang kumakain narin sa malapit sa kung nasan rin ako. Nag-sa-soundtrip sila.

Pinaglaruan ko nalang ang daliri ko, tas may nahagip ang mata ko sa paanan na piso. Pinulot ko yun kaagad.

Sabi nila pag me napulot ka raw'ng piso . . .pede ka daw'ng humiling . . . natingnan ko tuloy yung piso.

Bored naman ako. Tsaka, wala namang nakakakita sakin eh.

E di . . . susubukan ko raw.

Sana . . . ipinikit ko ang mata ko tas dinilat agad . . .

*toss the coin*

I threw a wish in the well
Don't ask me, I'll never tell

Umikot yung coin sa ere tapos . . . lampas nung umiikot na bagay sa harapan ko . . . may naglalakad palapit sa di kalayuan.

I looked to you as it fell

Nalaglag yung coin diretso sa butas ng palad ko, patungong lupa--eh di na ko umepal na tingnan pa yun kase naka-focus na ako sa . . . anghel na naglalakad ngayon patungo sakin! SI KIRK!

 
And now you're in my way.....

Nakangiti siya, nakatitig lang.

 Your stare was holding
Ripped jeans, skin was showing

Napanganga ako.

Hot night, wind was blowing
Where you think you're going baby?

Tapos napakunot-noo ako. Ano ba yan?! Bat may music? Nalingon ko tuloy yung mga nagsa-sound trip sa tabi.

"HI IKAY" parang biglang natahimik yung sound ng batiin ako ni Kirk nung nasa harap ko na siya. Buti di natuloy sa chorus. Yung kanta eh Call me maybe yata yun.

 "Lowbat" me-narinig akong ungulan dun sa malapit pero ala na kong pake. Napalapad ang ngiti ko.

 "O-o Kirk!! hihi" tanga kong sabi na nagmukhang ewan. Ang gwappo niya talaga!

 Tsaka . . .tsaka . . .ilang araw na niya akong di pinapansin . . . mukhang di naman siguro niya ako iniiwasan . . . feeler lang siguro ako masyado.

 Umupo siya bigla sa tabi ko. Inusog niya ko.

"ay, nang-aagaw?" sabi ko na napausog nalang.

 Grabe ang lapad ng ngiti ko ngayon.

 Ilang sandali pa, isinandal nito ang kamay sa binti't tumingin sakin habang nakangiti. Nangunot-noo ako, napanguso kase nailang ako bigla--hayun nanaman siya, tinitingnan nanaman niya ako na parang ako ang pinakamagandang babae sa mundo. Pinisil niya ang pisngi ko sabay tawa sa nakita niyang reaksyon ko.

"Inlababo ka na talaga sa kanya" sabi nito kaya mas humaba ang nguso ko.

"Ayeehh" tukso parin niya. Ano ba naman Kirk? Ba't mo to sinasabi ngayon?

Gusto ko tuloy'ng sabihin ang totoo kay Kirk.

Na ano Ikay? Na wala naman talagang namamagitan sa inyo ni Night?

 "Hindi no! pati ba naman ikaw?" gulo ko sa buhok niyang malambot. Tumawa lang siya.

 "In denial ka nalang lage . . . eh totoo naman" sabi pa nito. Kung ganun, para sa kanila . . . totoo talaga at di naako makakapagsinungaling pa.

 Napakagat-labi ako.

 Gusto kong sabihin sa kanyang iba parin yung pakiramdam sa taong totoong gusto mo. Yung tunay na nagpapasaya sayo.

Lihim kong binatukan ang sarili ko sa mga naiisip. Tapos nailang nanaman ako ng titigan lang niya ang mukha ko, habang natahimik.

Di ko naman alam kung anong iniisip niya. Tinampal ko ang pisngi niya kase nasobrahan na siya sa seryoso ah!

 Tsaka, nang-iinit na ang pisngi ko! Pero pinigilan lang niya ang kamay ko . . .tapos sa isang iglap nagkulitan kami!

 Nag-uunahan kami sa pisilan ng pisngi ngayon. tas sa sobrang kakulitan . . . nahulog ako dun sa inuupuan ko kaya todo halakhak ang unggoy ngayon sakin.

Pakiramdam ko, matapos ang ilang linggo, ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon