Chapter 26 Infatuated Heartbeat

3.1K 39 3
                                    

Chapter 26

Ikay

“San ka ba nagsusuot bata ka? Akala ko kung ano nang nangyari sayo! Naku! Matatamaan ka na talaga sakin!” kurot ni Mama sa tagiliran ko. Naman o!

 “Aray ko po!” bulalas ko lang kase umuwi akong naglakad, eh anlayo narin pag bumalik pa ako ng school.

 Kaya nung malaman niyang mas nauna pa si Kuya Lino ng rating sa bahay kesa sakin heto paramihan ng kurot.

 “Eh sabi ko diba may binili ako sa palengke? E, di ko na naabutan si Kuya Lino eh kaya na-nagjeep nalang ako” palusot ko na mukhang lulusot naman.

 “anong pinagbibili mo ha?”

“w-wla. Basta! Project po sa  school! Mama naman eh! Buhay pa naman ako o!” palusot ko pa uli.

 O, hayan na maloloko na . . . bibilib nayan. . .  sa isip ko.

 “Ikay . . . sa mga ganitong pagkakataon, di mo ko masisisi” Napalunok ako sa bigla niyang sinabi, nakonsensya naman ako dun.

Napakagat-labi ako.

“Sorry po ma . . .”

**

ONLINE SI PAPA.

Nanonod ako ng TV sa sala habang nagsi-skype sila run ni Mama sa kusina. Rinig ko ang mga tawanan nila. Nang ilang sandali pa nakita kong umakyat na ng hagdan si Mama, mukhang may kukunin sa itaas.

*WHISTLE

Napalingon ako ng may mag whistle ng paborito naming i-whistle ni papa ang Huling El Bimbo na kanta.

Yun din ang unang tonong natutunan ko nang tinuruan niya akong pumito nun.

*Whistle continues . . .

Napangiti ako. Ini-off ko ang TV saka patakbong tinungo ang laptop na nakabukas at nakapatong sa dining table.

“Boo!!” halos sabay naming gulat ni Papa sa isa’t-isa. Natawa kami pareho.

 “Sabi na nga ba’t lalapit ka”

“Ay ganun? Parang doggy?” biro ko sa kanya. Tas sabay ulit kaming nag-whistle.

At ang galing parin namin. Lullaby kase yun ni Papa sakin noon kaya naman di ko talaga pwedeng kalimutan.

Tsaka, parang di naman nawala si Papa eh, halos gabi-gabi nga nagsi-skype kami. Walang putulan ng komunikasyon yan.

Kaya nga di ko siya name-miss eh, eh lage nagkukwento tas parang andyan lang siya lage.

Di nauubusan ng load na i-text kami ni Mama.

Ganun pa man, iba pa rin yung andito talaga siya, yung hawak naming siya. Naalala ko tuloy si Kuya. Yung noong kompleto pa kami lahat.

“Papa, ayos kalang ba dyan?”

“oo naman! Lage kong sinasabi sayo . .  maayos lang ako rito ! At anak . . .pag nakapagtapos ka na ng high school . . . pede kitang isama rito “

“wah! Talaga Pang?!”

“hindi pwede—“ Pero napasimangot ako kay mama ng sabihin nya yun saka hinawakan niya ang ulo ko.

“Ano ka ba Myrna? Sabi sayo diba? Pede kong pag-aralin si Ikay sa states . . . hehe” napangisi ako sa sinabi ni Papa sabay kinindatan pa niya ako.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon