Chapter 55 He Kissed the Girl

2.6K 42 2
                                    

Chapter 55

(Night’s POV)

“San tayo?” kalabit niya sa likod ng damit ko ng magsimula na akong maglakad sa hagdan paakyat ng pinakamataas na bahagi ng watch tower.

“Wag ka ng magtanong” nakukulitang hinila ko na ang kamay niya’t inakyat nanamin ang spiral na hagdan.

May mga lampshades namang nakadikit sa walls kaya kitang-kita namin ang dinaraanan namin. Pina-close na sa public ang watch tower na ito simula ng mamatay si Mama. Damn that old man.

Pero hindi naman pinagbabawal na pumasok rito ang mga relatives ng may-ari.

Kaya nga lang…kasabay ring ipinatigil ang maintenance nun, that I voluntarily did it for myself.

Dahil ayokong mawala ang mga alaala ni mama, every year ako ang naglilinis sa cabin nito.

“WOW!” narinig kong bulalas niya ng marating namin ang top. Mula rito, nakikita namin ang kabuuan ng kalangitan na punong-puno ng mga bituin. Parang mga Christmas lights sa Christmas tree ang mga iyon.

“Ang ganda…sobra..” napatingin ako sa mukha niya ngayon, mapupungay ang mga mata’t parang batang nabigyan ng candy ang tuwa sa mga labi. Napakababaw ng kaligayahan.

Magkatulad na magkatulad sila ng kapatid kong si Erene. Sa tuwing umaakyat kami rito, she would want to scream a happy feelings on her own, not minding other people.

“Ang ganda talaga! Sobra!” sigaw niya na parang tatalon na sa railings sa sobrang tuwa niya.

“We used to watch the stars…in a cold season like this..before” sabi ko kaya naman napalingon siya sakin.

Oo, totoo. Sa lugar na ito, nangyayari ang pinakamasayang pasko ko. Nagpi-picnic kami sa ilalim ng bituing ito, at sa malamig na hanging ito..kasama si mama.

“Na-mi-miss mo ba ang mama mo?” she asked, drawing a sad look. I nodded kasabay ng isang tipid na ngiti. Totoo naman kase, talagang miss ko na ang mama ko.

Pero hindi ko na hinayaang ibahagi ang emosyong iyon at tumalikod na ako para pumasok sa cabin. May hagdan iyon pababa na may iilang hakbang.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Nang buksan ko na ang pinto at malagyan iyon ng ilaw, another fascinated smile rose out of her lips.

Pinasadya talaga ni mama nag awing parang simpleng bedroom ang lugar na ito. We had a queen size bed na halos mag-wa-walong taon na rito, apat na taon nang walang gumagamit. Dito kami madalas matulog katabi ni mama noon. We had a small Christmas tree…we had every good memories together.

“Hindi ko akalaing may napaka-cute na kwarto sa watch tower nato! May casement window pa! wow! Ang ganda! Kitang-kita rin mula rito ang bituin” Masaya niyang binuksan ang casement window kung saan katabi nun ang isang telescope. Regalo yun ni Papa kay Erene nung makahiligan nito ang panonood ng mga stars.

Lumapit ako sa kung saan siya’t muling hinawakan ang telescope. Nobody dared to touch that ever since Erene died.

Kinuha ko iyon sa tripod at tumabi kay Kaileen sa panonood.

“uy, may telescope ka rin..pwedeng mahiram?” medyo nairita ako sa kakulitan niya kaya nangunot-noo ako. Pero bago pa ako may masabi, kinuha na niya iyon sa kamay ko’t ginamit.

“sana may shooting star” aniya dahilan para makaramdam ako ng pagkatuwa imbes na mainis ng tuluyan. She’s really stupid.

Annoying and stupid.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon