Chapter 87 Night's True Colors

1K 27 2
                                    

Chapter 87

(Ikay’s POV)

Humakbang ako sa hagdan patungo sa pinto ng apartment ni Night. Nang makarinig ako ng boses. Napakunot noo ako’t bahagyang natigilan.

Boses ng babae iyon. Nagmumula sa loob.

Napalunok ako, saka muling humakbang. Itinaas ko ang isang kamay. Saka ako kumatok.

Narinig kong biglang tumahimik ang loob nun.

“N-Night?” hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Talagang ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang tinatawag ang pangalan nito. Siguro ay …

Nang bumukas ang pintuan ay agad sumalubong saakin ang araw na tattoo sa dibdib nito. Tumaas ang mga mata ko sa mukha ni Night na nakangisi ngayon saakin. Napalunok ako. Naka-towel lang ang pang-ibabang bahagi nito.

“Sino ba yan?” parang tumigil ang tibok ng puso ko ng may narinig na nagsalita saka ko inilingon ang ulo ko sa loob ng apartment niya. Doon ko natagpuan ang isang babae…nakatakip ng kumot ang katawan nito habang nagugulo ang mahabang buhok, may maganda rin siyang mukha pero habang nakatingin siya saakin ngayon…yun ang pinakapanget sa lahat.

Napaatras ako sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Pero bigla namang hinablot ni Night ang pulso ko at hinila ako papasok sa loob.

“Get out” bigla ay utos niya dun sa babaeng nakahiga sa kama na bahagyang napakunot noo.

“What?” bulalas nito.

“I don’t wanna repeat myself” may awtoridad na ngayon ang boses ng lalake saka niya nilingon yung babae. Nakita kong inis na tumayo ito’t nagbihis ng damit sa katawan.

Nararamdaman ko na ngayon ang panginginig ng buo kong katawan. Siguro kung hindi niya ako hawak malamang ay bumagsak na ako ngayon sa lupa.

Rinig na rinig ko yung pagdadabog ng babae at nung naglakad na ito lampas sa aming dalawa palabas ng pinto.

Hindi ko alam kung bakit sa buong pagkakataon ay tahimik lamang akong humihinga…nanginginig…kinakabahan…nasasaktan ng unti-unti…hanggang sa…

Isinara ni Night ang pintuan. Ng marinig ko ang pilantik ng lock ay bigla akong napaalis sa hawak niya’t bubuksan ko sana ang pinto pero mabilis niya rin lang din akong nahila pabalik saka itinulak sa pader habang hawak ang magkabilang pulso ko na itinaas niya sa pader.

Napalunok ako’t galit na tumingin sa mga mata niya. Sa sobrang galit ko’y nararamdaman ko ang pamumuo ng luha ko sa mga mata ko.

“Bitiwan mo ko” sabi ko. Pero nakangisi lang siya. Parang hindi ko siya kilala. Parang hindi naman siya si Night. Ano ba ito?! Sino ba ito?! Bakit niya ginagawa ‘to?!

“Hindi pwede. May isang bagay kase akong gustong malaman mo…Ikay…” aniya, hindi parin nawawala ang ngisi sa labi, habang unti-unti niyang inilalapit ang bibig sa tenga ko at binulong, “Ito talaga ang tunay kong kulay” aniya, saka ko naramdamang marahas niyang hinahalikan ang leeg ko habang pinipilit na hubarin ang t-shirt ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa takot, gulat, hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Kaya ako napasigaw “AHHHHHHH!!!!!!!!!” isang sigaw na narinig ko na dati, yung mga takot noong una ko itong maranasan ay muling bumabalik na parang bangungot.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito nagagawa...ni Night saakin.

Bakit niya ito ginagawa sakin? Hindi ko maintindihan. Bakit?! Bakit?!

“IKAY! IKAY!!” bigla ay bumukas ang pinto ng sobrang lakas  pero hindi ko naramdamang hinila na ito palayo saakin, kahit na wala na nga ito…pakiramdam ko ay naroroon parin ang takot ko.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon