Chapter 35 When He Asks You Out

3.1K 42 2
                                    

Chapter 35


(Night's POV)



"Kulet mo . . ." nadisturbo ako bigla sa pagtulog ng may gumalaw. Naalimpungatan . . . Napadilat ako ng marahan. Madilim pa, pero may ilaw na nanggagaling mula sa labas ng bintana.

Nalingon ng mata ko ang mukha ni Kaileen Termano.

Tulog na tulog siya . . .

Wala nga pala siyang nagawa kanina ng yakapin ko lang siya pahiga, hanggang ngayon, nakahiga parin siya sa may leegan ko.

At kaya ako nadisturbo, ay dahil sa bigat ng ng binti niyang ipinatong sa may binti ko. Ang kulet ring matulog. At may sinasabi pang kung anu-anong di ko maintindihan. I looked at her face, nung gumalaw siya at medyo lumayo sakin. Ngayon, kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya sa tipid na repleksyon ng ilaw.

Napangisi ako.

Di ko alam kung bakit.

I lifted a finger to start tracing the tip of her head down to her eyebrows. . . natural lang iyon.

wala pang bahid na kinunan, ibang-iba sa mga babaeng nakaka-date ko dati, they have perfect brows, but hers were fine for me, kahit di ko type.

My fingers went down to the bridge of her nose till the tip. . . kahit maliit ang ilong niya, matangos naman ng konti and it's not a problem to me, I like it that way, maliit naman ang mukha niya kaya bagay.

As I traded down to her lips, mas lalo akong napangisi.

naalala ko yung reaksyon niya ng mahalikan ko yun.

She was lamely crying.

Pero imposibleng di niya nagustuhan ang halik ko, of all the girls I dated, yun lage ang binabalik-balikan nila sakin. Damn, but I just ignored their stupidity.


Pinindot ko ang upper lip niya, then the lower.

Isang dahilan pa kung bakit ako nakangiti ngayon, ay dahil sa kanya ko lang naramdaman ang kagustuhang . . .halikan siya uli.

Though, it sounded ridiculous, it's true.

Sa naisip ko, bigla akong napakunot-noo.

Damn it, Night. What are you trying to say now?

Iniwas ko na lang ang kamay ko pero naunahan na niya akong gumalaw. She stretched an arm at niyakap ako na parang unan niya.

I sighed. Deeply.

********

"Waaahhhhh!!!!! Mama!! Anong oras na?!" patakbo akong bumaba sa hagdan ng umagang iyon. Eh, shet, patay na yung alarm clock ko! di na gumana dahil siguro sa palagian kong pagsapak dun, kainis. Pagising ko kani-kanina lang . . .masyado na kaseng amoy sakayan ng jeep yung atmosphere, yung para bang dapat nasa school na ko yung feeling.

50 Ways to Date a Gangster C O M P L E T E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon